Kiray sa relasyon nila ng hunk model: Nakakainis pag sinasabing ginagamit niya lang ako! Stop it! Stop it!!! | Bandera

Kiray sa relasyon nila ng hunk model: Nakakainis pag sinasabing ginagamit niya lang ako! Stop it! Stop it!!!

Ervin Santiago |March 19,2017
facebook
share this

Kiray sa relasyon nila ng hunk model: Nakakainis pag sinasabing ginagamit niya lang ako! Stop it! Stop it!!!

Ervin Santiago - March 19, 2017 - 12:05 AM

kiray at kirst

INAMIN ni Kiray Celis na naiinis siya kapag nakakarinig o nakakabasa ng mga hate comments mula sa mga netizens tungkol sa relasyon nila ng hunk model na si Kirst Viray.

Marami ang nagsasabi na gumigimik lang ang dalawa dahil meron silang project together, at meron namang nagkomento na ginagamit lang daw ni Kirst ang dalaga para pag-usapan at sumikat.

Magkasama ang dalawa na rumampa kamakailan sa ginanap na MYX Music Awards 2017, ito ang kauna-unahang pagkakataon na binitbit ni Kiray ang rumored boyfriend sa isang entertainment event kaya naman nagkaroon ng chance ang ilang members ng press na mainterbyu sila.

Nakikita lang kasi silang magkasama sa mga litrato na ipinopost nila sa Instagram, ang iba nga rito ay nagpapatunay kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Nang tanungin si Kiray kung kumusta na sila ni Kirst, “Eto, sa ngayon driver ko siya, wala lang kasama ko po ngayon. Ha-hahaha!”

Marami naman ang nakapansin na blooming ang aktres ngayon, ang ganda-ganda raw kasi niya at halatang in love na in love sa kung sinumang nagpapaligaya ngayon sa kanya, “Siguro dahil naka makeup ako ngayon?” birong tugon ni Kiray.

Sinakyan naman ni Kirst ang pagbibiro ni Kiray nang tawagin siya nitong diver, “Okay naman po ako, medyo hectic po ang maging driver niya kasi almost everyday may lakad.”

Sinabi ng binata na happy siya kapag kasama niya si Kiray, “Cute, sobrang masaya siyang kasama. I mean, hindi ako nabo-bore kapag kasama ko siya.”

Hangga’t maaari ay hindi na rin daw sila nagbabasa ng mga comments sa social media para good vibes lang sila palagi. Ani Kiray, “Wala kaming nababasa kasi ayaw na lang namin basahin at wala kaming pakialam.”

Sey naman ni Kirst, “As much as possible, hindi na lang talaga ako nagbabasa kasi mag-iisip ka lang ng kung anu-ano kaya hindi nalang namin binabasa.”

Sa diretsong tanong kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, sagot ni Kiray, “Wala kaming isasagot kasi ayaw po namin sumagot.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Kiray, nagsimula raw ang friendship nila ni Kirst nang magkasama sila sa isang proyekto, “Sa trabaho po na isang movie ni Briliante Mendoza na hindi ipapalabas dito. So, sa mga taong nagsasabi na gimik lang to tigilan niyo kami.

“Nakakainis kasi sinasabi lang na nag promo kami. Naiinis ako pag sinasabing ginagamit niya lang ako. Stop it! Stop it!” ang naiiritang pahayag pa ni Kiray.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending