Bonggang 'reward' sa makakapagpalabas ng sex video nina Ronnie Alonte at Vice Ganda | Bandera

Bonggang ‘reward’ sa makakapagpalabas ng sex video nina Ronnie Alonte at Vice Ganda

Julie Bonifacio |March 19,2017
facebook
share this

Bonggang ‘reward’ sa makakapagpalabas ng sex video nina Ronnie Alonte at Vice Ganda

Julie Bonifacio - March 19, 2017 - 12:10 AM

VICE GANDA AT RONNIE ALONTE

VICE GANDA AT RONNIE ALONTE

WILLING ang manager ni Hashtag member Ronnie Alonte na magbigay ng malaking halaga sa sinumang makakapaglabas ng sinasabing sex video ng alaga niya kasama ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Pinagpipistahan kasi sa social media ang diumano’y sex video nina Vice at Ronnie. At para tumigil na ang isyu tungkol diyan, hinamon ni RB Changco ang sinumang may kopya nito na ilabas na.

Handa raw siyang magbigay ng pera sa sinumang makakapagpakita na may ganu’ng video sina Vice at Ronnie. Nahihiya tuloy si RB kay Vice na nada-drag sa mga ganitong issue dahil kay Ronnie. Mabuting kaibigan at katrabaho si Vice na all-out ang pagbibigay suporta kay Ronnie hindi lang sa pera kundi pati sa pagbibigday ng advise at pag-e-encourage sa alaga niya para sa ikagaganda ng career niya.

Si RB ang manager ni Ronnie. Kamag-anak din siya ni Ronnie at kilalang celebrity make-up artist. Siya ang nag-make-up kay Miss France candidate Iris Mittenaere na nanalong Miss Universe recently.

Bigla namang natigalgal si RB when we asked him kung girlfriend na ba ni Ronnie si Julia Barretto.

Nabalita kasi na nakita si Julia kasama si Ronnie sa Biñan, Laguna. Common knowledge naman na taga-Biñan sina Ronnie.

Prior to that, our source told us na nakita niya mismo sina Ronnie at Julia sa isang resto sa Biñan. Wala raw ibang kasama ang dalawa that time. Say ni RB, hindi niya alam ang sasabihin kaya hindi nakasagot agad sa amin. Although, aminado siya na very close ang dalawa after nilang gawin ang pelikulang “Vince & Kath & James.”

Ayaw niyang i-confirm kung magkasintahan na sina Ronnie at Julia but hindi niya dini-deny that they go out together. Nais ni RB na sa kanila na mismo manggaling ang kumpirmasyon.

Anyway, kung sina Ronnie at Julia na nga, paano na ang isa pang kalabtim ng pamangkin ni Claudine Barretto na si Joshua Garcia? Naiintriga ang iba kina Julia at Joshua pagkatapos silang mapanood sa isang mainit at “madikit” na dance video sa YouTube bilang bahagi ng birthday celebration ng Kapamilya star.

Bakit super higpit daw ng yakapan ng dalawa? Dahil sa video na ‘yan, pwede na raw maging endorsers ng Mighty Bond sina Joshua at Julia, huh! Tanong pa ng iba, kung magkasintahan na sina Ronnie at Julia, bakit daw wala ang Hashtag member sa birthday party ng dalaga recently?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending