'Nakakainis ang kagwapuhan ni Ian Veneracion! Nakakabwisit!' | Bandera

‘Nakakainis ang kagwapuhan ni Ian Veneracion! Nakakabwisit!’

Cristy Fermin |March 18,2017
facebook
share this

‘Nakakainis ang kagwapuhan ni Ian Veneracion! Nakakabwisit!’

Cristy Fermin - March 18, 2017 - 12:10 AM

ian veneracion

MAY nang-usisa sa amin kung sakali raw bang si Gabby Concepcion ang gumaganap bilang Anton sa seryeng A Love To Last ay maging kasing-epektibo rin nito si Ian Veneracion?

Puwede rin. Kayang-kayang itawid ‘yun ni Gabby, pero mukhang masyado nang magiging malayo ang edad ng aktor kay Bea Alonzo, ang partner ni Ian sa kilig serye ng Dos.

Saka nakakahon ang acting ni Gabby, ganu’n pa rin, walang pagbabago. Mas presko sa paningin ng manonood ang ibinibigay na pag-arte ni Ian Veneracion.

May lagnat ang bayan ngayon kina Ian at Bea, usung-uso na nga ang tawag na TonDeng ngayon para sa mga magkarelasyon, dahil sa ipinakikita ng dalawa sa pinagbibidahan nilang programa.

Totoo, kung kailan naman nagkaedad ang aktor ay saka dumating sa kanya ang magagandang oportunidad, kahit sino ang ipareha sa kanya (si Jodi Sta. Maria ang una) ay pasok na pasok sa televiewers.

Kung gaano kaganda si Bea ay wala ring maling anggulo si Ian Veneracion, napakaguwapo niya, mahal na mahal ng mga camera ang guwapo at matangkad na aktor.

Komento ng isang kaibigan namin, “Nakakainis ang kaguwapuhan ni Ian! Nakakabuwisit siya! Nakakainggit tuloy si Andeng (Bea)!”

Ha! Ha! Ha! Ganu’n na ganu’n ang maririnig mong komento ngayon mula sa mga kababayan nating tumututok sa A Love To Last.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending