Quantcast

Wala na ngang GF, wala pang trabaho

By

Sulat mula kay Arjay ng Bayugo, Meycauyan, Bulacan
Dear Sir Greenfield,

Ako po ay isinilang noong April 2, 1990. Ang problema ko na gusto kong sanang ikonsulta ay kung kailan ako magkaka-girlfriend at magkakatrabaho. Tapos po ako ng BS Marine Transportation pero simula nang grumadweyt ako ay walang kaugnayan sa kurso ko ang nakukuha kong trabaho kaya hindi rin ako nagtatagal at nagre-resign ako. Kaya sana po matulungan n’yo ako na magbago ang aking kapalaran at sana sa taong ito ay magkaroon na ako girlfriend at trabaho na may kaugnayan sa natapos kong kurso. Sana suwertehin na ako ngayong taong ito ng 2017
Umaasa,
Arjay ng Bulacan
Solusyon/Analysis:

Palmistry:
May malawak at malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin. malaki ang pag-asa na makapag-abroad ka. Ang dapat mong gawin aymag-apply ka uli ng bago. Kung baga, kalimutan mo na ang mga dati mong apply at makikita mo sa bago pag-apply at bagong sigla, sa taon ding ito ng 2017 ay makapag-aabroad ka na at magagamit mo na ang natapos mong kurso.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Eight of Diamonds at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigang lalaki, maaaring kaklase mo, pinsan mo o dati mong naging guro, ay mabilis ang magaganap – may isang mabunga at mabibiyang pagbabarko na itatala sa iyong kapalaran.

Itutuloy

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement