Quantcast

Horoscope, March 16, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Katulad ng hindi maipintang panahon, “kulimlim na maaraw”, ganon din ang iyong isipan magulo. Pero may isang dapat kang gawin at pagka-abalahan, ang mga bagay na may kaugnayan sa pagpapayaman. Mapalad ang 6, 19, 28, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal, dumalo sa mga gawaing pampolitikal at pang lipunan doon ka magkakapera. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang lihim na may pagnanasa sa iyo, wag ka ng umiwas pa, isang nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansyal, wag kang umasa sa puhunan na hindi naman sa iyo. Dumiskarte ng sariling pagkakakitaan. Sa pag-ibig, wag iasa sa iba ang kaligayahan ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 3, 22, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Lilac at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag pansinin ang mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Sa pinansiyal ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa gawaing pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan na rin ang kasuyo na maging mukha salapi. Mapalad ang 5, 17, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Pad-Me-Om.” Gry at gold ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon palang umpisahan mo ng ipractice ang diwa ng Holy Week. Magtago muna sa isang tahimik at malapit sa nature na lugar. Sa ganyang paraan, kusa ng mawawala ang lahat ng iyong problema at magkakaroon ka ng peace of mind. Mapalad ang 2, 7, 16, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Upang hindi ka mahirapan sa kasalukuyang sitwasyon pabayaan mo lang na mangyari ang lahat ng iyan. Sabi nga, “Just go with the flow.” Sa ganyang paraan liligaya ka. Mapalad ang 1, 10, 28, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pagibig upang magtagumpay mas mahalaga na sabihin mo ang iyong nararamdaman kaysa sa kung ano-ano ang iniisip mo. Sa pinansyal ay ganon din, sa puso mo tirahin ang iyong prospect. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal, higit na kikita ng malaking halaga kung uutuin ang kliyente sa pamamagitan ng matatamis na salita. Sa pag-ibig, mamayang hapon, uwian ang kasuyo ng pagkaing, masarap, matamis at malamig. Mapalad ang 6, 9, 27, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Purple at maroon ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius, may magandang kapalarang makakamit. Sa pinansiyal, isang Sagittarius din ang lulutas ng iyong prolema. Sa pag-ibig, aalialigid ang isang Aries na noon pa may pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 6, 14, 25, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi fairy tale ang buhay, kaya wag umasa sa biglang suwerte at sa mga napapanood na tele-nobela sa mga telebisyon. Sa pinansiyal, kailangang magtrabaho upang magkapera at sa pag-ibig, kailangang mag mahal upang mahalin ka rin. Mapalad ang 3, 9, 29, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Magenta at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Disiplina ang magpapaunlad at magpapaligaya sa relasyon. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Hahaba ang buhay kung iingatan ang kalusagan habang patuloy na nagmagmamahal. Mapalad ang 7, 17, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Isa-isang babalik sa ala-ala ang mga nakaraan. Hindi ka dapat ma-alarma, ito ay nagsisilbing paala-ala lamang ng unconscious self na ang nakaraang pagkakamali ay hindi mo na dapat pang ulit-uliting gawin sa ngayon. Mapalad ang 4, 19, 20, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansyal, wag pang hinayangan ang nakaraang mga pagkalugi. Sa iyong mga pagkamamali, matututo ka ng magkuripot hanggang sa yumaman ka na rin. Sa pag-ibig, matapos ang tampuhan, bati na naman kayo ng kasuyong sumpungin. Mapalad ang 2, 7, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement