Horoscope, March 15, 2017

By Madam Sophia March 15,2017
share this

Horoscope, March 15, 2017

By Madam Sophia March 15,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Wag hayaang maapektuhan ka ng problema ng ibang tao lalo na sa pag-ibig. Ang awa at concern ay hindi mo dapat gamitin sa ngayon, mas dapat iprayoridad ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 4, 9, 18, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Red at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Umupo sa isang sulok na malapit sa nature. Nilaynilayin ang gagawin mong pagbabago upang mas lalong umunlad at lumigaya. Ang unang tanggalin ay ang iyong ego, pride at kayabangan. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka na. Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magluto ng isang napakasarap na menu at pagkatapos ay ipakain sa iyong mga mahal sa buhay. Sa simpleng kabutihang nagawa, mawawala ang iyong problema at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Lilac at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Maraming dadamay sa iyo sa araw na ito kaya maiibsan ng malaki ang mga dinadalang suliranin. Para mapanatili ang mga kaibigan, gayun din ang yong mga mahal sa buhay, wag mo silang uutangan. Mapalad ang 5, 11, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Gray at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tulad ng isang seaman, makipagsapalaran ka upang mabago ang kapalaran. Wag matakot pumalaot sa malayong lugar upang umunlad. Sabi nga “you cannot discover new oceans unless you have the courage to lose sight of the shore.” Ganoon din naman, sa pag-ibig, kung hindi mo susubukang muling mag-mahal paano mo makakamit ang maligayang pagpapamilya habang buhay. Mapalad ang ang 4, 7, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Adhenam-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magpakatotoo ka sa iyong sarili at sa iyong mga ginagawa. Sa ganyang paraan, mas uunlad ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahata-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Hanapin ang mas masayang pag-ibig na hatid ng isang Libra. Sa panalapi, hindi mo mapapabilib ang mga tao sa iyong mabilis na pagsasalita. Baguhin ang istilo, bilisan naman ang pagta-trabaho. Mapalad ang 5, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Beige at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Kahit na tanggihan ka ng iyong kapwa, hindi ka dapat tumigil. Kulitin sila nang kulitin. Sa pagiging makulit, uunlad ka at mas magtatagumpay. Mapalad ang 6, 9, 19, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Mamaliitin ka na naman ng mga kasamahan mo, wag mo na lang silang pansinin, sa halip lalo mo pang pagbutihin ang iyong pagtatrabaho. Makakaahon ka rin at makikita nila, darating ang panahong magtatagumpay ka at mahihigitan mo pa sila. Mapalad ang 6, 9, 21, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa araw na ito lulutang ang iyong animal instinct. Siguraduhing magagamit mo ang enerhiyang ito upang magkapera at kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ang animal instinct mong ito ay magagamit sa isang masarap na romansa. Mapalad ang 6, 9, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ipagpatuloy ang pagiging makasarili, iyan talaga ang paraan upang yumaman. Kapag maraming-marami ka nang pera, kusa ka na ring liligaya sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam—Artan-Om.” Orange at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung gusto mo talagang magtagumpay at lumigaya, anuman ang iyong ginagawa, wag kaladkarin ang iba para samahan ka. Gawing mag-isa at may kalayaan ang anumang naiisip na bagay. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka. Mapalad ang 4, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Dosya-Om.” Brown at magenta ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Panahon na upang gamitin ang pang-ispiritualidad na kapangyarihan. Manalangin at mag-meditasyon sa loob ng siyam na araw. Sa ganyang paraan, mas madali mong makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending