Sa Tomboy Itinakda | Bandera

Sa Tomboy Itinakda

Joseph Greenfield |March 15,2017
facebook
share this

Sa Tomboy Itinakda

Joseph Greenfield - March 15, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Cha  ng Luyag, Carmen,  Cebu City
Dear Sir Greenfield,
May lihim akong karelasyo na tomboy ngayon. Ang problema ay may boyfriend, pero hindi ko siya masyadong mahal. Lalaki-lalaki po siya pero mas mahal ko talaga ay itong t-bird. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung posible kayang magsama kami ng karelasyon kong tomboy habang buhay. Sa ngayon kasi ay inaaya niya na ako na mag-live-in na kami. Sino ba sa kanila ang talagang dapat kong piliin upang magkaroon ako ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya? July 31, 1991 ang birthday ko at October 30, 1989 naman ang tomboy at March 9, 1990 naman ang birthday ng boyfriend kong lalaki.
Umaasa,
Cha ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Saya dahil ganito ang nais sabihin ng magulong unang Marriage Line sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1.), wala kang makakatuluyan sa dalawang karelasyon mo sa ngayon. Ibig sabihin, bago ka makapag-asawa ay dadanas ka ng dalawang matinding kabiguan sa pag-ibig. Ngunit ang ikalawang mas magandang Marriage Line (arrow 2.) sa bandang huli ang siyang mananaig – pagkatapos mawala ang dalawang ka-relasyon mo sa ngayon. Paglipas ng isa hanggang dalawang taon ay muli kang iibig at magmamahal sa tomboy muli. At ang ikalawang tomboy na ito ang siya mong makakatuluyan at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Two of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos mawala sa iyo pareho ang dalawang ka-relasyon mo ngayon, sa taong 2019, isang akala mong babaeng maganda ang iyong magiging kaibigan. Sa bandang huli ay matutuklasan mo ang kanyang lihim— tulad ng dating nakarelasyon mo— siya pala ay isa ring t-bird.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending