Horoscope, March 14, 2017

By Madam Sophia March 14,2017
share this

Horoscope, March 14, 2017

By Madam Sophia March 14,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Tatlong bagay ang magpapayaman sa iyo: Ang pagdating ng kasuyong mapera; Ang pag-aabroad at ang pagnenegosyo. Alin man sa tatlo ang gawin mo, sa edad mong 50 pataas, mayamang-mayaman ka na! Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansiyal, iwasan mandaya ng kliyente. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng mahusay na boladas at kaunting pang-uuto, mapapa-Oo mo na ang kasuyo sa isang bagay na matagal mo ng hinihingi. Mapalad ang 5, 14, 20, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Violet at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansiyal at pag-ibig, hindi ikaw ang dapat nasusunod kundi ang iyong kasuyo upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata.” Red at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa muli ninyong pagtatagpo mainit na romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at navy blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang iwasan ang bisyong facebook ng facebook. Walang mabuting idudulot sa iyo ang mga bagay na yan. Kailangan magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan din sa pagkain at lusaw na mga bagay, dyan ka uunlad at yayaman. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Blue at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Pakikipag-sosyalan ang kailangan upang wag ma-boring ang buhay. Sa pag-ibig, isama ang kayuso sa isang social gathering. Sa isang pagtitipon, pareho kayong magkakapera. Mapalad ang 2, 17, 28, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Aum-Arkaye-Om.” Lilac at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wag magpuyat dahil sa kape-Facebook. Alagaan ang iyong kalusugan, dahil kung magkakasakit ka paano ka kikita ng malaking halaga? Sa pag-ibig, pakiusapan ang kasuyo na palaging nangungulit: “Pahinga muna tayo mahal!” Mapalad ang 5, 19, 28, 37, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pad-Me-Om”. Red at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Huwag pansinin ang mga naninira. Kaya hindi ka kumikita ng malaking halaga, pinapatulan mo kasi sila. Sa pag-ibig, isang kaibigan ang aagaw ng iyong minamahal. Wag kang papayag, ipaglaban ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 6, 18, 28, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nosi-Balasi.” Yellow at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo. Yan talaga ang role mo sa mundo – ang magparaya. Isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya magbayad, talagang ganon ang buhay, mayroon talagang mga taong manunuba! Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Om-Pad-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Harapin ang bagong araw na may sigla at pag-asa. Sa bagong produktong may kaugnayan sa kumunikasyon kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, painitin siya sa romansa. Mapalad ang 1, 8, 17, 24, 34, 35. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Doysa-Om.” Red at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy mas madaling lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, ang wagas na pag-ibig pa rin ang mananig sa dakong huli. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Rama-Govinda!” Black at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Ang sariling pamilya ang dapat asikasuhin bago ang iba! Sa pinansiyal at sa pag-ibig, wag masyadong maging mabait sa mga kaibigan, hindi mo ba napapansin, inuuto ka lang nila. Panahon na upang maging mabuti ka rin sa iyong mga ka-dugo. Mapalad ang 4, 16, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Lilac at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Salapi ang dapat pahalagahan. Gumising ng maaga, at isulat sa malinis na kuwaderno ang mga paraan kung paano magkakapera. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa minamahal ang kahalagahan ng pag-iipon, pagkukuripot at pagiging matipid upang yumaman. Mapalad ang 7, 16, 87, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” Green at magenta ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending