Naghahanap ng boyfriend

By Joseph Greenfield March 13,2017
share this

Naghahanap ng boyfriend

By Joseph Greenfield March 13,2017
share this

Sulat mula kay Pauline ng Subang, Mandaue City, Cebu
Dear Sir Greenfield,

Nagtataka ako sa aking sarili kung bakit maganda naman ako, pero umabot ako sa edad na 33 na sa darating na March 25, hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend? Maganda naman ang career ko sa ngayon dahil nagta-trabaho ako bilang accountant sa isang lending company. Ang kaso, maganda nga ang career ko pero hindi naman maganda ang love life ko. Minsan tuloy naiiisip kong tatandang dalaga na yata talaga ako habang buhay kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanaong kung magkapag-aasawa pa kaya ako at kung mayroong lalaking itinakda sa akin ang kapalaran ay kailan ko kaya siya makikilala at ano ang palatandaan? March 25, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Pauline ng
Mandaue City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Gumuhit naman ng malinaw at makapal ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, walang problema kahit abutin ka pa ng kuwarenta (4) at marating mo ang “huling iyahe” hindi ka tatandang dalaga habang buhay, bagkus walang duda, makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang simple, masaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Letrang “A” ang first letter ng pangalan ng lalaking mapapangasawa mo at ang pamilya nila ay may kaya sa buhay, kung saan sa buwang ng Oktubre kayo pagtatagpuin ng tadhana, – Ito ang nais sabihin ng barahang Ace of Hearts, King of Diamonds at Ten of Diamonds na lumabas.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending