Horoscope, March 12, 2017

By Madam Sophia March 12,2017
share this

Horoscope, March 12, 2017

By Madam Sophia March 12,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos kang pinagpala! Sa isang hindi sinasadyang pangyayari makakaranas ka ng isang nakakikilig na relasyon. Sa pinansyal, sa isang pagtitipon na malaking halaga ng salapi at karangalan ang iyong matatanggap. Mapalad ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” White at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Tanggapin ang alok ng isang kaibigang Sagittarius, pagkakataong mo ng umunlad at makapag-abroad. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tibok ng puso. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Upang kumita ng malaking halaga ipakita at ipatupad ang sariling pasya. Sa pag-ibig at pinansyal, sa sandaling naging independent ka na, magsisimula ka ng umunlad at lumigaya. Mapalad ang 9, 12, 17, 26, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansiyal, wag asahan ang salaping hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinakamasarap. Mapalad ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Wagiswari-Padme-Om”. Red at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Dagdag na sipag ang dapat na ipatupad upang makamit ang pangarap. Sa pag-ibig wag pag hinalaan ng hindi maganda ang kasuyo. Sa pinansiyal, utuin ang kasuyo upang magbigay siya ng dagdag na pera. Mapalad ang 7, 16, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Namah-Om-Namo.” Indigo at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Puro ka na lang kasiyahan at pagpapasarap, mas mainam kung magiipon ka at paglaanan mo naman ang future. Sa pag-ibig, hikayatin ang kasuyo na mag-ipon kayong dalawa kahit pakonti-konting halaga lang buwan-buwan. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Gold at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at mapera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Wala ng pinakamahalagang bagay sa buhay na ito kundi pera.” Green at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Upang ma-refresh ang isip at damdamin, laging makinig ng musika. Ang mga love song music at classic ang magpapalakas ng iyong libido at immune system. Mahiwaga mong mantra: “If the King love music, it is well with the land.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Magtiwala sa kasuyo, makaka-tsamba din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi mo bibigyan ng encouragement ang kasuyo paano uunlad ang inyong buhay? Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Krishnaya.” Blue at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Huwag tumunganga, mag-isip ng dagdag at bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero romantic na relasyon sa isang nilalang hindi naman gaanong mataba. Suwerte ang 9, 12, 21, 31, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra, “Abrakadabra!” Red at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pinansyal, nakatakda na sa iyo ang yumaman. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang bawat miyembro ng pamilya. Mapalad ang 2, 17, 22, 29, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra, “Namo-Loes-Sawa”. White at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi emosyon ang kailangan upang lumigaya kundi isip. Panahon na upang gamitin ang salapi upang makatagpo ng true love. Mapalad ang 1, 7, 22, 37, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag umasa sa ibang tao. Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang paiiralin. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang kinikita. Mapalad ang 8, 17, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Sahana-Vavatu-Om.” Blue at red ang buenas na kulay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending