Quantcast

Horoscope, March 11, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig muling sasaya ang pakikipag-relasyon pagsapit ng buwan ng Abril. Sa pinansyal, sa susunod na mga araw makapal na salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at gold ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Pag iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad. Kapag may maganda ka ng kita, magtabi ng P1,000 kada buwan bago gumastos. Sa pag-ibig, kapag marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam. Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag ng balikan ang nakaraan! Magpatuloy sa bagong naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo na isang Virgo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Violet at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Wala kang mapapala sa kanila. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat upang makasumpong ng true love. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag sarilinin ang mga problema. Kung hindi ka lalapit sa isang kaibigan, paano mo malulutas ang problema sa pera? Sa pag-ibig, wag dayain ang puso, aminin mong mahal mo ang isang Scorpio! Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om”. Yellow at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Alalahanin ang lahat ay nadadaan sa magandang
usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo kang papangit. Ngiti ang susi na magbubukas ng isang matamis at romantikong relasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kung lalo mo pang sisipagan, malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Tandaan mong sipag ang susi para yumaman. Sa pag-ibig, hayaan mong kusang mahulog ang loob sa iyo ng isang Libra, hindi ka dapat umiwas. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Maghanap ng mga taong magaganda at guwapo. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, ang kaakit-akit na kapaligiran ang lalo pang magpapasigla ng pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ipunin ang libido sa summer vacation. Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Yellow at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag katamaran ang mga bagay na pagkakaperahan, doblehin mo pa ang pagsisipag upang makamit ang pagyaman. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pakikipagbolahan sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Magsimula ka nang magsikap ngayon, wag iasa sa iba ang tagumpay. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang Taurus na masipag. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Gray at silver ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, meditation at pagyo-yoga ang magtatanggal ng kamalasan, ito rin ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay at ng true love. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Malapit na ang Holy Week, simulan na ang pagnilay. Sa mga lugar na malapit sa nature, mas lilinaw ang isipan kung paano malulutas ang mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa ang alon ng damdamin masarap na romansa ang tatagas. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement