Horoscope, March 10, 2017

By Madam Sophia March 10,2017
share this

Horoscope, March 10, 2017

By Madam Sophia March 10,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sisimulan sa pagsisimba ang araw na ito, dobleng suwerte ang darating. Isang masarap na romansa ang mararanasan at may mag-aabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi ng hindi mo inaasahan. Mapalad ang 4, 9, 15, 28, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasikatan. At tandaan din naman sa pag-ibig, hindi ang kasikatan ang nagpapaligaya sa relasyon, kundi ang maraming salapi at paminsan-minsan ay ang lambingan at biruan. Mapalad ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke- Balam.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag hawahan ng katamaran ang kasuyo. Ikaw ang dapat magsimula ng initiative upang kapwa kayo umunlad at lumigaya. Panahon na upang i-encourage ang kasuyo na tumapang. Mapalad ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahatha-Om.” Black at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Sa pag-ibig, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa – pagpasok nya ng pintuan halikan mo agad. “Aum-Kurvan-Adhenan-Om.” Green at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Tama ang ginagawa mong pagsasakripsiyo at page- exercise para sumeksi. Sa pag-ibig, habang sumeseksi, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyo at bibigyan ka na naman niya ng maraming pera. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Upang hindi kainggitan ng iba, iwasan ang labis na kadaldalan. Hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga, ang mas mahalaga ay ang katapatan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat balewalain ang obligasyon sa pamilya. Sa bandang huli ang kapamilya mo rin ang tutulong sa iyo. Sa pag-ibig, hindi matatakasan ang isang Cancer, mananatili siyang kapuso mo pa rin. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Red at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Pagpasok ng Abril malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, sa sandaling nakahawak ng maraming pera, huwag kalilimutan ang pangako sa kasuyo – ang pagsu-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mahata-Nastah-Om.” Green at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Salubungin ang bawat araw nang may ngiti at galak sa iyong puso upang lumigaya ka at umunlad. Sa pag-ibig, ngitian ang masungit na kasuyo upang maibsan ang init ng kanyang ulo. Mapalad ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Dosya.” Green at magenta ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang magpatuloy ang suwerte, laging magsuot ng pula at asul. Sa pamamagitan ng kulay na pula at asul, lalong sasaya ang iyong love life at kusang darami ang inyong pera. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.”

Capricorn – (December 22 – January 19) — Tama ang ginagawa mong pag-iwas sa Facebook at iba pang social media sites na nakakaistorbo lang sa mga bagay na pagkakaperahan. Kung mage-FB man, tiyakin mo na ito ay iyong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, kung ayaw niya, e di wag! Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tatha-Sakra-Om.” Blue at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Miiwasan ang ano mang karamdaman kung ilalagay sa tamang oras ang pagkain. Wag magpalipas ng gutom at iwasan din ang labis na pagpupuyat. Sa pag-ibig at pinansyal, isang Sagittarius ang laging aalalay at tutulong sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Mali ang binabalak mong paglayo! Ang mga Pisces ay hindi nagiging maligaya kung malayo sa pamilya. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag malapit ka sa iyong mga mahal sa buhay ay mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending