Magkaka-trabaho na ba? (2)

By Joseph Greenfield March 10,2017
share this

Magkaka-trabaho na ba? (2)

By Joseph Greenfield March 10,2017
share this

Sulat mula kay Jasmin ng San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan
Problema:
1. Almost three years na po akong graduate ng kursong HRM, until now ay wala pa rin akong regular na trabaho. Masipag naman po akong mag-apply pero ang problema wala talagang nagkakainterest na tumawag sa akin. Puro pangako lang na tatawagan daw ako pero hindi naman ako tinatawagan.
2. Kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa taon kayang ito ng 2017, ay suwertehin na akong magkaroon ng regular na trabaho? Isa pa, pangarap kong mag-abroad, kaya kung sa abroad ako mag-apply, may pag-asa kayang doon ko matagpuan ang aking suwerte? Sa ngayon ay wala rin akong boyfriend. Kailan at sino kaya ang magiging boyfriend ko? May 28, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Jasmin ng Palawan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing sa taong ito ng 2017 ay mabilis ang magaganap. Sa buwan ng Mayo, may isang mabiyaya at mabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Sa ibang bansa, isang lalaking Libra ang iyon makikilala at sa bandang huli ay magiging boyfriend mo siya.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing may malaking suwerteng naghihintay sa iyo sa pangingibang-bansa. Sa patuloy na pagpapabalik-balik sa abroad, hindi ka lang magiging maligaya bagkus tuloy-tuloy na uunlad din ang kabuhayan ng inyong pamilya hanggang sa ikaw ay tuluyan nang makapag-asawa.
Huling payo at paalala:
Jasmin, ayon sa iyong kapalaran, sa sandaling nag-apply ka na ngayon sa abroad, tulad ng nasabi na, mabilis ang magaganap. Sa taon ito, sa edad mong 28 pataas, sa buwan ng Mayo o kaya ay Hunyo, makapag-aabroad ka. Ang nasabing pangingibang-bansa ay magdudulot sa iyo ng isang mabungang karanasan sa larangan ng materyal na bagay at sa larangan ng pakikipagrelasyon sa ibang bansa mo rin matatagpuan ang isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. na siya na rin iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending