True ba, Ate Guy tinuhog ang It’s Showtime at Eat Bulaga? | Bandera

True ba, Ate Guy tinuhog ang It’s Showtime at Eat Bulaga?

Reggee Bonoan |March 10,2017
facebook
share this

True ba, Ate Guy tinuhog ang It’s Showtime at Eat Bulaga?

Reggee Bonoan - March 10, 2017 - 12:05 AM

NORA AUNOR

NORA AUNOR

FOLLOW-UP ito sa nasulat naming si Ms. Nora Aunor ang magiging special hurado sa gaganaping grand finals ng “Tawag Ng Tanghalan” bukas sa It’s Showtime na gaganapin sa Resorts World.

Nag-message sa amin ang taga-Showtime at may humaharang daw sa guesting ng Superstar na hindi nila maintindihan kung bakit.

Nakausap naman na raw si Nora at pumayag na ito at sisipot na nga, tapos biglang may narinig na hindi na raw darating si Ate Guy dahil may iba pala itong lakad.

Naloka ang mga taga-Showtime dahil naka-set na nga ang veteran actress at may inihanda pa silang magandang VTR dahil nga produkto si Ate Guy ng original Tawag Ng Tanghalan noong 1967.

Hindi lang malinaw kung nakapagbigay na ng downpayment kay Ate Guy para may panghahawakan sana ang programa.

As of this writing ay wala pang update sa amin kung anong nangyari dahil tinatawagan pa rin nila ang Superstar.

Hanggang sa nabasa namin sa Facebook account ng isang katoto na nagtatanong kung saan ba mapapanood si Nora, sa Showtime o sa Eat Bulaga?

Ibig bang sabihin nito umoo rin si Ate Guy sa Eat Bulaga for guesting? So, bato-bato pick na lang ito kung sa aling programa mapapanood ang nag-iisa at walang kupas na Superstar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending