Kathryn maayos na ang kundisyon matapos maospital | Bandera

Kathryn maayos na ang kundisyon matapos maospital

Ervin Santiago |March 07,2017
facebook
share this

Kathryn maayos na ang kundisyon matapos maospital

Ervin Santiago - March 07, 2017 - 12:05 AM

 

Screenshot_2017-03-06-12-59-15-1
NITONG weekend kasi ay nabulabog ang mga fans nina Kathry at Daniel Padilla nang kumalat sa social media ang litrato ng dalaga habang nakahiga at may dextrose sa isang ospital.

Mismong ang Mommy Min ni Kathryn ang nagbalita sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na isinugod sa ospital ang kanyang anak nitong nakaraang Linggo. Ipinost nga niya ang picture ng dalaga na may nakakabit na dextrose sa kamay at may caption na: “Get well soon anak!”

Ngunit ilang oras lamang ang nakalipas, nag-post uli si Mommy Min ng isang TV commercial ng anak at ipinaalam nga sa mga tagasuporta ni Kathryn na maganda naman ang naging laboratory results nito. Sabi nito sa kanyang tweet niya, “Thanks God for the good lab result of @bernardokath!”

Hindi na nagbibigay ng karagdagang detalye ang kampo ni Kathryn kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pagkakaospital. Pero ayon sa ilang source, bumigay ang katawan ng dalaga dahil sa sobrang pagod at puyat.

Kasalukuyang nagsu-shooting ang Kapamilya young actress kasama ang kanyang boyfriend an si Daniel para sa latest movie nilang “Can’t Help Falling In Love”. Bukod dito nagte-training din ang magka-loveteam para sa bago nilang TV project, ang fantasy-action-adventure series na La Luna Sangre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending