Horoscope, March 07, 2017 | Bandera

Horoscope, March 07, 2017

Madam Sophia |March 07,2017
facebook
share this

Horoscope, March 07, 2017

Madam Sophia - March 07, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unahin ang pagsisimba at pagkatapos magugulat ka sa magiging resulta- isang nilalang na may kayumangging kulay ang balat ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, anumang biyaya ang makamit bahaginan ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vidya-Om.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa mas mabilis at walang pagdadalawang isip na pagpapasya, mas malaking halaga ng salapi ang makukuha. Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo para sa tamang petsa ng binabalak na pagswi-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Upang pumasok ang maraming pera, tandaang bawal ang masungit. Sa pag-ibig, sa pagiging mahinahon mananatili ang isang maunlad at masarap na relasyon. Tandaang patining na pag-ibig ang susi upang magtagumpay at lumigaya ang isang Taurus. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Magtiwala sa kaibigang Libra sa pamamagitan nya titiba kayo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag paghinalaaan ng hindi maganda ang kasuyo, upang hindi masayang ang masayang relasyon. Sabi nga nila “Think positive!” Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om-Purana-Om.” Gray at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat kainipan ang magandang kapalaran. Pagpasaok ng tag-araw at mainit na panahon ngayong buwan ng Marso kusa ng darating ang mga oportyunidad na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, inip ng naghihintay ang isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tetra-Malikha-Om.” Green at silver ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Sa maling desisyon mauubos ang naipong pera. Bago maglabas ng malaking halaga sa anumang venture, isipin muna ng 10 beses. Sa pag-ibig, hanggat hindi napapanatag ang puso, walang permanenteng ligayahang makakamit. Mapalad ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Tulad ng dati hindi mo napapansin, madalas kang magka-pera pero madali namang maubos. Magtipid ka kasi! Sa pag-ibig, may tampuhan upang muling magkabati at lalong pang uminit ang relasyon. Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Tulad ng dahon, makakadama ka ng pagkalanta. Maiiwasan ang nasabing negatibong damdamin, kung makikinig ka ng musika at iiwasan munang mag-Facebook. Sa pag-ibig, wag basta-basta magtampo sa kasuyo, ang lahat ng sama ng loob ay kusang lilipas din. Mapalad ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag masyadong malihim, ibunyag ang nilalaman ng puso bago maunahan ng iba. Subalit sa aspetong pang-pinansyal, ilihim sa kasuyo ang mga naiipon mong pera upang ito ay lalo pang dumami. Malad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ngayon pa lang paglaanan na nang budget ang summer vacation ng hindi naman magmukhang kaawa-awa ang pamilya – gusto mo bang mangyari, na masayang nagswi-swimming na ang iba, samatalang kayo ay “nganga”. Mapalad ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hangga’t kaya pa, magpasensya at magtiis. Sa pinansiyal, tiis-tiis lang muna, uunlad at yayaman din kayo pagdating ng tamanmg panahon. Sa pag-ibig, hindi dapat pagsungitan ang kasuyo upang hindi na siya muling magtampo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Green at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—May sopresang naghihitay. Muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal, nag-aapoy na romansahan ang kasunod. Sa pinansiyal, mas higit sa iyong inaasahan ang darating na pera ngayong papalapit na ang tag-araw. Mapalad ang 4, 19, 22, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Ananda-Marga.” Pink at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Sa pagtulong sa mga nangangailangan mas maraming biyaya ang nakalaan. Sa panahong ito ng Kuwaresma gawin mo na ang lihim na pagdalaw sa mga charitable institutions at magbigay ng konting donasyon. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng Maykapal. Mapalad ang 7, 11, 27, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending