Ano ang click at bagay na negosyo? | Bandera

Ano ang click at bagay na negosyo?

Joseph Greenfield |March 07,2017
facebook
share this

Ano ang click at bagay na negosyo?

Joseph Greenfield - March 07, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Darius ng St. Michael, Meycauyan, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Kagagaling lang sa Canada ng panganay kong anak at babalik na din siya doon sa buwan ng Abril. Pero bago siya bumalik sa Canada nagbabalak siya siyang mag tayo mo na ng business para iwanan sa aming mag-asawa. May pamilya na kasi siya sa Canada at umuwi lang dito para nga tulungan kami sa aming kabuhayan. Para daw wag na kaming hingi ng hingi sa kanya, ipagtatayo nya daw kami ng negosyo. Balak ng isa kong anak na computer rental ang itayo namin, kaya lang masyadong malaki ang puhunan at bayad sa puwesto. Sabi naman ng isa kong anak ay magtayo na lang daw kami ng kainan o kaya;y lugawan sa bayan. Kaya naisipan ko pong kumunsulta sa inyo upang itanong kung ano po ba ang click at bagay sa aming mag-asawa na negosyo? October 5, 1965 ang birthday ko at January 17, 1966 naman ang misis ko.
Umaasa,
Darius ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang malinaw na Businesss Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung ikaw mismo Darius ang mamamahala, hahawak at magpapatakbo ng negosyong itatayo ng inyong pamilya, walang duda, agad itong uunlad at mabilis na aasenso.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Five of Hearts at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa suwerte ang birth date mong 5 sa negosyo, suwerte rin ang birth date na 17 ng misis mo sa negosyo, ganon din kung sino man sa inyong mga anak ang may birth date na 14, 23, 8, 15 at 26.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending