Kalat na: James, Nadine magpapahinga muna, walang bagong serye at pelikula | Bandera

Kalat na: James, Nadine magpapahinga muna, walang bagong serye at pelikula

Reggee Bonoan |March 06,2017
facebook
share this

Kalat na: James, Nadine magpapahinga muna, walang bagong serye at pelikula

Reggee Bonoan - March 06, 2017 - 12:01 AM
nadine lustre at james reid PAGKATAPOS ng seryeng Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre ay wala pa kaming naririnig kung may follow-up project na sila sa ABS-CBN. Maging sa pelikula ay wala rin daw bagong ibinibigay ang Viva Films. Ang worst na kuwento ng aming source ay pagpapahingahin daw muna ang JaDine para makapagmuni-muni kung saan sila nagkamali, balitang bumaba na raw ang popularidad nina James at Nadine. Nawala na raw ang init ng JaDine loveteam hindi katulad noong nagsisimula palang sila sa pelikula. Tsika ng aming source, “Lagi kasing may mga dahilan kapag may promo tour sila rati, ‘yun pala magkikita lang sila o may date. Nakakaapekto kasi iyon, dapat pinagbubuti nila ang trabaho nila habang mainit sila, e, hayan, anong nangyari?” Si Nadine ang binanggit ng aming source na malaki ang ipinagbago simula nu’ng sumikat sila nang husto sa mga seryeng On The Wings of Love at Till I Met You. Kaya ang pagpunta ng JaDine sa Amerika ngayong Abril para sa series of shows nila ang magiging gauge kung hot item pa sila o kailangan muna nilang mamahinga. “Ang nakakatakot lang pag pinagpahinga sila, makakabalik pa kaya, e, ang dami-daming nagsusulputang bagong loveteams ngayon,” katwiran sa amin ng source. Naku, kailangang bigyan ng maraming raket si James dahil malaki ang binabayaran nitong monthly amortization sa bahay na binili niya para sa kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending