Jaya sablay sa  Showtime, nilait  ng bashers  | Bandera

Jaya sablay sa  Showtime, nilait  ng bashers 

Ambet Nabus |March 01,2017
facebook
share this

Jaya sablay sa  Showtime, nilait  ng bashers 

Ambet Nabus - March 01, 2017 - 12:35 AM
jaya NATAWA naman kami sa pamba-bash kay Jaya sa social media kaugnay ng ginawa niyang production number sa It’s Showtime kasama sina Rico Puno at Mitoy Yonting. Ayon sa mga nakapanood na nagsasabing boses lalaki ang soul diva, nagmistula raw amateur si Jaya sa kanyang ginawa lalo pa’t napakataas ng boses ni Mitoy habang total performer naman si Rico. May nagkomento pang ang taray-taray daw minsan ni Jaya na mamintas o magpayo sa mga kontesero ng Tawag Ng Tanghalan, pero laylay naman daw ang performance nito. Well, hindi namin napanood ang sinasabing prod number ni Jaya, kaya’t ayaw pa naming paniwalaan ang tsismis na ito. Ha-hahahaha! esides, baka nga lang off piece o hindi naman talaga piyesa ni Jaya ang kanyang kinanta kaya’t hindi nag-enjoy ang bashers niya. Kung sa ibang hurado naman ikukumpara si Jaya, siguro naman ay higit siyang may karapatan na umupo as TNT judge, noh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending