Quantcast

De Lima nakakarma na nga ba?

By

MUKHANG marami ang nanginig ang tumbong sa pahayag ni Solicitor General Jose Calida na walang kasalanan ang pork barrel fund scam queen na si Janet Lim Napoles sa kasong illegal detention case na inihain ng whistleblower na si Benhur Luy.

Baka ang sumunod daw kasi ay gamitin na si Napoles na state witness laban sa mga politiko na sangkot sa pork barrel fund scam.

Kung magkataon ay madaragdagan pa ang mga pulitiko na nasa loob ng selda.

Ang kailangan lang gawin ni Napoles ay magturo nang mas mataas sa kanya para maging saksi ng gobyerno. Hindi siya ang dapat na maging most guilty.

At sino nga naman na sabit sa pork barrel scam ang makakatulog sa ganitong sitwasyon?

Nagpapanik na umano ang ilang politiko kaya kung anu-ano na ang kanilang ginagawa para mailihis ang atensyon ng gobyerno at makalimutan si Napoles.

Ano nga kaya ang magiging susunod na kabanata ng pork barrel fund scam?

Sino kaya ang masasampahan ng plunder at makukulong gaya ng mga dating senador na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada?

Sabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales marami pa silang tinatapos na kaso kaugnay ng pork barrel fund scam at malamang maisampa ang mga ito sa korte bago siya magretiro, kaya naman marami ang takot sa kanya.

***

Humingi ng saklolo si Sen. Leila de Lima sa Korte Suprema upang mapawalang-saysay ang kasong isinampa ng Department of Justice laban sa kanya.

Ang sabi ng kanilang kampo dapat ay sa Office of the Ombudsman inihain ng Justice department ang reklamo at ito ang magsasampa sa Sandiganbayan.

Ano na nga ba ang update sa reklamong inihain laban kay de Lima sa Ombudsman? Isinampa kasi ng DOJ ang kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court na nagpalabas naman ng warrant of arrest kaya nakakulong si de Lima ngayon.

Pero marami ang duda kung may makukuhang simpatya si de Lima mula sa mga hurado ng Korte Suprema.

Naaalala n’yo pa ba ang nangyari noong 2011? Pinayagan ng Korte Suprema si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makalabas ng bansa.

Walang korte na pumipigil sa kanya noon na makapagpagamot sa ibang bansa.

Pero hindi iginalang ng DOJ na pinamumunuan noon ni de Lima ang temporary restraining order na ipinalabas ng Korte Suprema at gumawa sila ng paraan para hindi ito makalabas ng bansa.

Kung noon ay hindi pinakinggan ni de Lima ang Supreme Court, ngayon ay inaasahan ng senadora na pakinggan siya nito.

Marami tuloy ang nagsasabi na karma ang nangyayaring ito kay de Lima dahil sa kanyang mga ginawa noong siya ang nasa poder.

Pagbaba ng Aquino government, hindi nagtagal ay nakalabas na ng kulungan si Arroyo.

At ngayon ang mga ‘bata’ ni Arroyo ay nakapuwesto sa Duterte government.

Talagang bilog ang mundo, hindi palaging nasa ibabaw ka lang. Hintayin mo yung pagbaba ng gulong at ikaw naman ang nasa ilalim.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement