Kathryn, Daniel mapapasabak sa comedy; gaganap na mag-asawa | Bandera

Kathryn, Daniel mapapasabak sa comedy; gaganap na mag-asawa

Ervin Santiago |March 01,2017
facebook
share this

Kathryn, Daniel mapapasabak sa comedy; gaganap na mag-asawa

Ervin Santiago - March 01, 2017 - 12:10 AM
kathryn bernardo at daniel padilla TULOY na tuloy na ang bagong pelikula ng reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, of course, sa ilalim pa rin iyan ng Star Cinema. Ayon sa tambalang KathNiel, hindi pa nila alam kung kailan magsisimula ang shooting para sa bago nilang movie, ang “Can’t Help Falling In Love” pero anila, isa itong romantic-comedy na malayung-malayo sa huli nilang proyekto na “Barcelona”. Sigurado raw matutuwa at matatawa ang milyun-milyung KathNiel fans sa kuwento ng “Can’t Help Falling In Love”, “Rom-com as in rom-com talaga iyong movie na ito. Parang the whole time ay hindi siya mabigat panoorin. Masaya siya na may matutunan tayo after,” sabi ni Kathryn. Hirit naman ni DJ, dito rin masusubukan ang kanilang talent sa comedy dahil may mga gagawin daw silang mga eksena ni Kathryn na bagung-bago para sa kanila. “Hindi naman nawawala iyong bigat ng kada story pero ito kasi, compared sa ‘Barcelona,’ mas maraming comedy ito, maraming masasayang eksena, at marami ring characters,” chika  ng Kapamilya singer-actor. And for the first time, gaganap na mag-asawa sina Kathryn at Daniel sa pelikula kaya ngayon pa lang ay excited na sila dahil talagang mapapalaban daw sila sa aktingan dito. Bawal pang magbigay ng karagdagang detalye ang dalawa kaya pigil na pigil ang kanilang pagkukuwento nang interbyuhin ng ABS-CBN. Actually, may teaser na ito sa mga sinehan bago ipalabas ang “My Ex and Whys” nina Enrique Gil at Liza Soberano. Bukod sa pelikulang ito, nakatakda na ring mag-taping ang dalawa para sa kanilang bagong serye na La Luna Sangre, ang sequel ng fantasy-action series na Imortal nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending