James, Nadine lumaki na raw ang ulo, ayaw makipag-selfie sa fans | Bandera

James, Nadine lumaki na raw ang ulo, ayaw makipag-selfie sa fans

Alex Brosas |March 01,2017
facebook
share this

James, Nadine lumaki na raw ang ulo, ayaw makipag-selfie sa fans

Alex Brosas - March 01, 2017 - 12:05 AM
nadine lustre at james reid HOW true na tinatabangan na raw ang Viva sa tambalang James Reid and Nadine Lustre? If rumors are to be believed, lumalaki na raw ang ulo ng magdyowa sa tinatamasa nilang success. Naging headache na raw sila ng kanilang manager dahil pareho raw pasaway ang dalawa. There are rumors of their unprofessionalism. Minsan daw kapag may topak ang dalawa ay inaayawan nila ang ilang gigs, ayaw nilang umapir. Gumagawa raw ng alibi ang dalawa para lang hindi makarating sa kanilang event. Meron pang chikang walang pakialam ang dalawa sa fans. Hindi nila pinapansin ang ilang fans na gustong kumuha ng selfie with them. Ni kaway o “hi” ay wala ka raw maririnig sa couple kapag wala sila sa mood. With this, sina Ella Cruz at Julian Trono raw ang gustong pasikatin ng Viva. Totoo bang naging unprofessional na kayo, James and Nadine? Pakisagot nga. Siguradong gustong marinig ng JaDine fans ang sagot nyo sa isyung ito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending