Bela: Wala kaming relasyon ni Zanjoe, di pa ko ready ma-in love uli!

By Ervin Santiago February 27,2017
share this

Bela: Wala kaming relasyon ni Zanjoe, di pa ko ready ma-in love uli!

By Ervin Santiago February 27,2017
share this

 

ZANJOE MARUDO AT BELA PADILLA

ZANJOE MARUDO AT BELA PADILLA

SUMUSUMPA ang My Dear Heart star na si Bela Padilla na hindi niya boyfriend ang kanyang leading man sa serye na si Zanjoe Marudo.

Kalat na kalat na kasi ang chika na palaging magkausap at sweet na sweet daw sa isa’t isa ang dalawang Kapamilya stars sa set ng Primetime Bida series na My Dear Heart.

May nakapagsabi pa na niregaluhan daw ni Zanjoe si Bela ng ukulele na kinahihiligang tugtugin ngayon ng dalaga. Hindi ba’t nag-viral pa ang video na ginawa ng aktres recently where she’s playing ukuleke with the song “You Are My Sunshine”.

Sa nakaraang pagpirma niya ng exclusive contract sa ABS-CBN, natanong ng press kay Bela kung si Zanjoe na nga ang bagong “sunshine” sa buhay niya matapos silang maghiwalay ng producer na si Neil Arce.

“Hindi. Hindi ba pwedeng fans? Hindi ba pwedeng friends? Hindi naman. Wala naman,” ang natatawang pahayag ni Bela.

She’s still moving on daw sa break-up nila ni Neil kaya ang gusto niyang bigyan ng atensyon ngayon ay ang kanyang career. Feeling niya hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon.

“Parang hindi pa, not yet. I’m really enjoying my work. Actually, hindi na nga ako nakakatulog, parang every day kaming either taping or shooting. So maybe I would like to have a little me time first or alone time before I get into that,” paliwanag ni Bela.

Nang kumustahin naman ng mga reporter ang working relationship nila ni Zanjoe sa seryeng My Dear Heart na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida after Ang Probinsyano, okay naman daw sila sa set at maayos naman daw lagi ang takbo ng taping nila.

“Friends, working relationship. Nothing to tell, we are just friends,” paniniguro ni Bela.

In fairness, malakas ang chemistry ng tambalang BelZan dahil natural na natural ang kanilang akting bilang parents ng bidang bata sa serye na si Heart Ramos. Hindi rin sila nagpapatalbog sa napakagaling na award-winning veteran actress na si Coney Reyes.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending