Sofia Andres ayaw makialam sa away nina Diego at Cesar | Bandera

Sofia Andres ayaw makialam sa away nina Diego at Cesar

Ambet Nabus |February 23,2017
facebook
share this

Sofia Andres ayaw makialam sa away nina Diego at Cesar

Ambet Nabus - February 23, 2017 - 12:01 AM
diego loyzaga at sofia andres KUNG sinagot marahil ng Kapamilya young actress na si Sofia Andres na hindi na dapat dinala ni Diego Loyzaga sa social media ang mga hinaing at reklamo niya laban sa amang si Cesar Montano, baka mas bumilib pa kami sa kanya. But she has her own opinion and we want to respect that. Nali-link kasi siya sa kontrobersyal na aktor at mukhang “exclusively dating” na ang kanilang status ngayon. Sa presscon ng bagong Regal movie na “Pwera Usog”, hiningi ang opinyon ng dalaga hinggil sa paglalabas ng sama ng loob ni Diego sa kanyang ama sa pamamagitan ng social media. At kahit hindi man ito kasali sa movie, marespeto namang sumagot ang magandang dalaga, anito sa pagkakakilala raw niya kay Diego, sobrang dami na ng pinagdadaanan nito sa buhay. Sa katunayan, very emotional daw lately ang aktor at marahil ay hindi na nito nakayanan ang nararamdaman laban kay Cesar kaya sa social media na ito nagbuhos ng kanyang damdamin. “It’s so difficult to process. I am not in the right position to judge or give my comments. I know Diego and sabi ko nga, marami siyang pinagdadaanan. Siguro sa tingin niya sa ganu’ng paraan niya mailalabas ang lahat ng nararamdaman niya. Let’s just hope and pray na soon ay maaayos din po nila iyan ng father niya,” paliwanag ni Sofia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending