P79.8M jackpot ng lotto 6/42 nasungkit sa Pangasinan | Bandera

P79.8M jackpot ng lotto 6/42 nasungkit sa Pangasinan

Leifbilly Begas |February 22,2017
facebook
share this

P79.8M jackpot ng lotto 6/42 nasungkit sa Pangasinan

Leifbilly Begas - February 22, 2017 - 03:27 PM

lotto for site

Isang mananaya sa Pangasinan ang nanalo ng P79.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Martes ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Alaminos.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 23-34-25-08-21-03.
Nagkakahalaga ng P26.3 milyon ang itinaya sa naturang bola. Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa gastusan sa operasyon nito.
Noong Enero 5 pa walang nananalo ng jackpot prize sa 6/42 kaya lumaki na ito. Huli itong tinamaan noong Enero 3 kung saan isang mananaya ang tumama ng P13.8 milyon.
Samantala, nanalo naman ng tig-P18,820 ang 70 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P380 naman ang 2,736 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 40,681 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending