San Miguel balik Philippine Cup finals | Bandera

San Miguel balik Philippine Cup finals

Dennis Christian Hilanga |February 20,2017
facebook
share this

San Miguel balik Philippine Cup finals

Dennis Christian Hilanga - February 20, 2017 - 10:35 PM

june mar fajardo

Sinungkit ng San Miguel ang unang finals berth ng 2017 PBA Philippne Cup matapos itakas ang 96-83 panalo laban sa TNT sa krusyal na Game 7 ng kanilang semifinals series Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Ito ang ikatlong sunod na finals appearance ng Beermen para sa nasabing kumperensya kung saan sila ang nagkampeon sa nakalipas na dalawang season matapos talunin ang Alaska.

Sumandal ang Beermen sa kanilang magandang laro sa third quarter para kunin ang 77-60 abante papasok ng fourth period kontra sa KaTropa na walang Jayson Castro dahil sa tinamong hamstring injury. Nanguna para sa San Miguel sina bigman June Mar Fajardo at veteran Arwind Santos na naghulog ng tig-22 puntos bukod pa sa hinatak na 19 at 13 rebounds ayon sa pagkakasunod. May 18 puntos si Chriss Ross, 11 dito ay isinalpak sa ikatlong yugto kung saan iniwanan ng Beermen ang KaTropa habang nagtulong para sa pinagsamang 26 puntos sina Alex Cabagnot at Marcio Lassiter. Sinubukan ng TNT na manatili sa laban pagdating ng huling yugto ngunit hindi na ito hinayaan ng San Miguel na makalapit pa na nagbigay daan sa huli upang pormal na selyuhan ang tiket pabalik ng finals kung saan asam ng Beermen na iuwi ang perpetual Philippine Cup crown sa pangatlong sunod na beses. Gumawa si Larry Fonacier ng 14 puntos habang nag-ambag si Roger Pogoy at Kelly Williams ng 13 at 11 puntos para sa KaTropa na labis na naramdaman ang hindi paglalaro ni Castro. Sa Biyernes ang game 1 ng Finals at hihintayin na lamang ng San Miguel ang magwawagi sa Ginebra-Star semis Game 7 bukas upang matukoy ang makakalaban sa best-of-seven title series.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending