Sarah G, Matteo pinatunayang love na love pa rin ang isa't isa | Bandera

Sarah G, Matteo pinatunayang love na love pa rin ang isa’t isa

|February 21,2017
facebook
share this

Sarah G, Matteo pinatunayang love na love pa rin ang isa’t isa

- February 21, 2017 - 12:05 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

PINATUNAYAN nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na going strong pa rin ang kanilang relasyon sa gitna ng mga tsismis na naghiwalay na sila dahil sa pressure sa kanilang pagsasama.

Kumalat sa social media kahapon ang mga litrato ng magdyowa na kuha sa isang restaurant kung saan sila nag-bonding kasama ang mommy ni Matteo na si Mrs. Glenna Fernan at iba pang malalapit na kaibigan. Bukod sa mga litrato nina Matteo at Sarah, nakita rin namin ang isang photo sa fanpage ni Sarah kung saan magkasama sila ng nanay ni Matteo na may caption na: “Sobrang close nila ni Mommy Glenn @JustSarahG @mateoguidicelli!” Siguro naman ay titigil na ang mga detractors nina Sarah at Matteo sa pagpapakalat ng mga intriga about their relationship. Siguro nama’y sapat na ang mga nakita n’yong sweet photos ng dalawa para mahinto na ang chikang hiwalay na sila. Nauna nang itinanggi ni Matteo na nag-cool off sila ng Pop Princess dahil daw sa pressure ng mga magulang ni Sarah.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending