Aljur napabayaan ang sariling pamilya mula nang makipag-live in kay Kylie | Bandera

Aljur napabayaan ang sariling pamilya mula nang makipag-live in kay Kylie

Cristy Fermin |February 21,2017
facebook
share this

Aljur napabayaan ang sariling pamilya mula nang makipag-live in kay Kylie

Cristy Fermin - February 21, 2017 - 12:05 AM
aljur abrenica at kylie padilla MARAMING nakahalatang press people na may malaking problema si Aljur Abrenica sa kanyang pamilya. Pero mas magandang baligtarin ang sitwasyon—ang pamilya ng aktor ang may problema sa kanya. Hindi ‘yun maikakaila dahil hindi na kasama ng aktor ang kanyang pamilya mula nang mag-live-in na sila ni Kylie Padilla. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon na hindi man lang niya sinilip ang kanyang mga magulang at kapatid, pati ang kaarawan ni Daddy Jojo ay hindi rin niya pinahalagahan, inilayo na nga ni Aljur ang sarili niya sa kanyang pamilya. Dati ay siya pa ang nakiusap kina Daddy Jojo at Mommy Amor na tumira na sa kanyang bahay, may negosyo nga lang sa Batangas ang kanyang ama, kaya paminsan-minsan lang itong nakaluluwas. Pero nagulat ang mga ito nang sabihin ni Aljur na gusto na niyang mag-solo, nu’n naman sila nagsimulang mag-live-in ni Kylie, may kasama silang mga kaibigan sa bahay. Komento ng marami ay kinaya niyang hindi makasama ang kanyang pamilya sa bahay niya, pero nakapagpatira siya du’n ng mga kaibigan niya, nasaan nga naman ang magandang paliwanag du’n? Palibhasa’y kapatid, hindi maaasahang kay Vin Abrenica pa manggagaling ang kuwento, hindi bale nang sa iba huwag lang sa kanya. Nakakalungkot ang ganu’ng kuwento lalo na’t makapamilya nu’n ang malapit nang maging tatay na aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending