Horoscope, February 21, 2017 | Bandera

Horoscope, February 21, 2017

Madam Sophia |February 21,2017
facebook
share this

Horoscope, February 21, 2017

Madam Sophia - February 21, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap magmintina ng isang wagas na relasyon. Ngunit kung iisiping nagkaka-edad ka na, magagawa mo. Panatiliin ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa high tech na kasangkapan at sa butil ka yayaman. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Pink at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Mahirap talagang mawalan ng pera, kaya sa sandaling gumanda ang income, matutong mag-savings. Sa pag-ibig ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Parating na ang suwerte, kaya dapat iwasang sumimangot! Kung laging nakangiti, ngingiti rin sa buhay mo ang positibong kapalaran. Sa pag-ibig may isang naka-red ang palihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kahit nakakatamad ang panahon, gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo, upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang puso, salapi ang dapat na pahalagahan. Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Lilac at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kung sadyang nagigipit, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nito upang gumaang ang iyong pakiramdam. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay na violet, red at dilaw. Sa pag-ibig higit na nakakikilig ang susunod na pagniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.”

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa araw na ito may sopresang matatanggap, na sobrang ikagagalak ng puso. Sa pag-ibig, mamayang gabi, may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Om.” Red at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Upang lalo pang suwertehin sa buhay mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop at puwede ring mga halaman. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang maaari nyang ilagay sa kanyang silid, upang lagi ka nyang maalala. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Royal blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Baguhin ang style ng iyong buhok. Sa pinansyal sa mahabang buhok mas malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig tattoo sa dibdib ang magbibigay ng mainit na romansa Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat may magandang kapalarang naghihinaty. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma-Om.” Purple at gold ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag maghintay ng suwerte sa sinilangang bayan. Sa malayong pook mo matatagpuan ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, habang naghahanap buhay mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Jai-Shari-Om.” Red at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, makuntento na sa kasalukuyang minamahal wag ng isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumkha at bilugang pangangataan ang yumayaman. Sa pag-ibig, kapag nakapangasawa ka ng mataba, magsisimula ka ng umunlad at yumaman. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending