Susuwertehin pa ba sa pag-aasawa? | Bandera

Susuwertehin pa ba sa pag-aasawa?

Joseph Greenfield |February 21,2017
facebook
share this

Susuwertehin pa ba sa pag-aasawa?

Joseph Greenfield - February 21, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Rossana ng Acop, Rosales, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,

Bakit kaya malas ako sa pag-aasawa, kasi po ang dami-dami ko ng naka-relasyon pero ni isa ay walang nagtagal? Dalawang beses po akong naanakan ng magkaibigang lalaki at iniwan din ako ng luhaan. Pagkatapos nagkaroon pa ako ng mga boyfriend na hindi na mabilang, pero tulad ng nauna pareparehon din silang nawala sa akin. Sa edad ko po bang 38 years old na sa ngayon may pag-asa pa kaya akong makasumpong ng isang seryoso at pang habang buhay na ka-relasyon. February 13, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Rossana ng
Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nagkataon kasing biyak at magulo ang unang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) kaya naman nagkaroon ka ng maraming kabiguan at frustration sa pag-ibig. Ganon paman, kapansin-pansing ang ikalawang Marriage Line (arrow 2.) ay gumanda at naayos na, na ibig sabihin lang pagtuntong mo ng 40 pataas, matatagpuan mo na rin si Mr. Right.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Four of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa edad mong 40 pataas, isang lalaki mas bata sa iyo ang edad ang mahuhumaling sa iyom hanggang sa tuluyan mo siyang mapangasawa na maghahatid ng isang bonggang-bongga masayang pagpapamilya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending