Hiwalayang Sarah-Matteo pinakakalat ng mga tsismosa | Bandera

Hiwalayang Sarah-Matteo pinakakalat ng mga tsismosa

Ambet Nabus |February 19,2017
facebook
share this

Hiwalayang Sarah-Matteo pinakakalat ng mga tsismosa

Ambet Nabus - February 19, 2017 - 12:10 AM

sarah geronimo at matteo guidicelli

MAY natisod kaming tsismis na diumano’y nasa “cool-off” period daw ngayon sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Saan naman kaya nanggaling ang tsismis na ito? Sa aming pagkakaalam at ayon na rin sa mga very close kachika naming nakakakilala sa magdyowa, kapwa in-enjoy nina Sarah at Matteo ang Valentine’s Day. So kailan at paano kaya silang nag-cool off? Hay, ang mga tsismosa nga naman, mema lang, as in memasabi lang. Ha-hahaha!

q q q

Speaking of Sarah G, kulit na kulit kami sa naging song number nila ni Daniel Padilla sa ASAP last Sunday.

Sa totoo lang, isa kami sa naniniwalang bagay sila at mayroon silang kemistri on screen.

Kapwa may natural appeal at karisma ang dalawa sa masa. Hindi naman alangan ang mga hitsura nila no, kahit pa sabihing mas matanda si Sarah kay DJ. Ha-hahahaha!

Basta lang, napi-feel naming one of these days ay mayroong lulutuing proyekto para sa kanila ang ABS-CBN.

Nakakaaliw, masaya at malakas ang feeling naming magiging “kakaiba” ang tandem nila pag nagkataon. Ang tanong lang, pumayag kaya ang KathNiel fans sa posibleng DanRah tandem?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending