Daniel pangarap makatrabaho si Sarah: Idol namin siya ni Kath! | Bandera

Daniel pangarap makatrabaho si Sarah: Idol namin siya ni Kath!

Reggee Bonoan |February 19,2017
facebook
share this

Daniel pangarap makatrabaho si Sarah: Idol namin siya ni Kath!

Reggee Bonoan - February 19, 2017 - 12:01 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

GUSTO palang makatrabaho ni Daniel Padilla si Sarah Geronimo kaya siya mismo ang nag-request sa Star Magic head na si Mr. Johnny Manahan na sana’y pagsamahin sila sa isang proyekto.

Sa isang panayam ay nabanggit ni Daniel na sana’y magkaroon ng tsansa na magkatrabaho sila sa pelikula ng singer-actress dahil hangang-hanga siya rito noon pa.

Kung bibigyan daw siya ng proyekto na hindi niya kasama si Kathryn Bernardo, ang wish niya ay si Sarah ang itambal sa kanya. Ito’y matapos ngang magkaroon ng duet sina Daniel at Sarah sa ASAP last Sunday.

Sana raw ay maintindihan ito ng fans nila ni Kathryn, wala naman daw siyang planong mag-iba ng ka-loveteam, ang gusto lang daw niya ay masubukang makatrabaho ang Pop Princess. Mas lalong maganda at exciting daw kung silang tatlo nina Kath at Sarah ang magkakasama.

Sinabi pa nga ni Daniel na kahit si Kathryn ay idol na idol si Sarah kaya siguradong wala ring isyu sa kanyang rumored girlfriend ang kanyang idea.

Why not? Wala naman imposible sa mundo ng showbiz. Matagal na namang nagko-co-production ang Viva Films (management ni Sarah) at Star Cinema.

Siguro, ang punto lang ni Daniel ay para hindi pagsawaan ng mga manonood ang tambalan nila ni Kathryn, mas maganda nga naman ‘yung mag-experiment sila para sa pag-level up ng kani-kanilang career.

Nakarating na kaya sa Star Cinema ang kahilingang ito ni DJ? Sa tingin namin, hindi malayong matupad ang wish na ito ni Daniel at kung gagawa nga siya ng movie with Sarah o ‘yung magkakasama silang tatlo, mas maganda kung ang box-office director na si Cathy Garcia Molina ang hahawak nito.

Hmmmm, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending