Maine, Alden nakiusap sa fans: Wala na pong personalan, trabaho lang! | Bandera

Maine, Alden nakiusap sa fans: Wala na pong personalan, trabaho lang!

Ervin Santiago |February 18,2017
facebook
share this

Maine, Alden nakiusap sa fans: Wala na pong personalan, trabaho lang!

Ervin Santiago - February 18, 2017 - 12:01 AM

maine mendoza alden richards at koreen medina
NAKIUSAP sina Maine Mendoza at Alden Richards sa kanilang mga tagasuporta na sana’y mahalin at suportahan ng mga ito ang lahat ng kasama nila sa seryeng Destined To Be Yours.

Pamilya na rin daw kasi ang turingan nila kapag nasa taping, lalo na kapag malayo ang kanilang location. Maganda raw ang working atmosphere sa set dahil lahat ay marespeto at dedicated sa trabaho.

Ang pakiusap nina Alden at Maine ay sa gitna na rin ng pamba-bash sa Kapuso youngstar na si Koreen Medina na siyang magiging third party sa tambalang AlDub. Si Koreen ay isa sa mga Starstruck Avenger sa huling season ng artista search ng GMA.

Sa presscon ng Destined To Be Yours, natanong sina Alden at Maine kung ano ang maibibigay nilang mensahe sa kanilang fans para maiwasan ang mga kanegahan, lalo na sa social media.

Pahayag ni Alden, “This is our job. This is a way for us actors to make the story thicker than it is. Hindi naman po ibig sabihin na if there’s a love triangle in a soap opera, there’s something happening off cam.

“Napakalaking misconception po kasi niyan, especially in soap operas, e. Gusto ko po naming iparating na ito pong set ng Destined To Be Yours, lahat po kami dito is one big family, wala po kaming pulitika with each other, wala po kaming ginagawa on and off cam.

“We just want them to know na we’re doing this for the fans, for the supporters who waited for this project to happen,” sey pa ng Pambansang Bae.

Sey naman ni Maine, “Siguro po, wala na lang personalan po. Kasi, sabi nga po ni Alden, trabaho po ito lahat.”

q q q

Samantala, inamin naman ni Koreen Medina na inaasahan na niya ang pamba-bash ng AlDub fans dahil alam niya kung gaano katindi ang pagmamahal ng mga ito sa phenomenal loveteam.

“Na-experience ko na po siya (bashing), hindi pa nag-i-start yung series. It just proves na ibang klase magmahal ang fans nila, parang they’re gods and goddesses sa kanila.

“I think that’s a good thing kasi, gusto ko lang iparating sa kanila na this teleserye is a gift from Alden and Maine to their fans. Sinabi naman agad sa akin na, ‘Handa ka bang ma-bash?’ Kami naman na nag-audition po, sobrang magandang opportunity ito, e, like to showcase your talents.

“And iba ‘yong fan base nina Alden and Maine. Kaya yung makasama lang ako sa launching TV series nila…hindi ko ma-put into words yung awe ko sa happiness. Una, nag-audition ako and then call back. Sumunod, sinabi nila sa akin na I got the role.

“Hindi nila alam na umiyak ako sa sobrang happiness kasi unti-unti kong nakukuha ‘yong dreams ko, nagagawa ko yung passion ko talaga,” pahayag pa ng dalaga.

Ayon pa kay Koreen, napatunayan din niya kung gaano kabait at ka-down to earth si Maine. Magkasama raw kasi sila sa tent nina Maine at Sheena Halili, na gumaganap namang BFF ni Yaya Dub sa serye.

“Lahat naman po ng co-star ko po, hindi naman maiiwasan na hindi magugustuhan ka. So ang lagi nilang sinasabi sa akin, ‘Huwag mo nang basahin. Huwag mo nang pansinin ‘yong mga negative. Focus on the positive na, ito malapit na, mag-e-air na tayo.’

Dugtong pa ni Koreen, “As long as alam ko po naman na hindi totoo ‘yong sinasabi nila, what will happen po, di ba. So parang dedma. Peace tayo. Actually, natuto akong i-off yung notification ko sa Instagram and Twitter kasi, wow, sumasabog po sila.

“Ibang klase po talaga ‘yong love nila kay Alden and Maine. To the point na, ‘Guys, it’s just work. Hindi pa nag-u-umpisa, please?’”

Ano’ng feeling na may serye na rin siya ngayon at primetime pa? “Sobrang nakaka-excite na, ‘My gosh, mapapanood ako every night.’ Parang goosebumps every time na maiisip ko ‘yon,” dagdag pa ng baguhang aktres.

Nang tanungin naman kung kumustang katrabaho sina Alden at Maine, “Naku, sobrang wala kayong masasabing mali kay Alden and Maine, lalo na kay Maine kasi magkasama kami sa tent e so talagang chikahan lang kami.

“Okay po kami kasi alam naman nila na kapag trabaho, trabaho talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa Fe. 27 ang Destined To Be Yours sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Janice de Belen, Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Juancho Trivino, RJ Padilla, Dominic Roco at marami pang iba, sa direksyon ni Irene Villamor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending