Nagmomotel dapat buwisan | Bandera

Nagmomotel dapat buwisan

Leifbilly Begas |February 15,2017
facebook
share this

Nagmomotel dapat buwisan

Leifbilly Begas - February 15, 2017 - 12:10 AM

HAPPY V-day po muna sa lahat.

May mga natuwa sa pag-ayos sa center island sa tulay ng Batasan-San Mateo Rd., sa boundary ng Quezon City at San Mateo, Rizal.

Tinibag kasi ng ilang tricycle driver ang center island dahil malayo ang U-turn at bawal na yung mga tricycle ng Batasan na dumeretso sa San Mateo.

Ngayon ay ayos na ang center island, naisemento na at nilagyan pa ng bakal sa gitna kaya hindi na makakatawid yung mga tricycle.

Salamat sa kinauukulan.

***

Kailangan ng gobyerno ng pera para sa mga proyekto nito.

Kaya nitong V-day, mayroong nakaisip na kung bakit hindi raw kaya patawan ng buwis ang mga pumupunta sa mga motel at apartelle.

Dapat din daw silipin kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga ito dahil kalimitan naman ay hindi humihingi ng resibo ang mga pumupunta sa mga lugar na ito.

Kung walang official receip ay walang pagbabatayan ang gobyerno para malaman kung magkano ang kinita nito at kung magkano ang dapat na bayarang buwis.

At isa pang problema, sinong kostumer ang gusto na ilagay ang kanyang pangalan sa resibo ng motel?

At sinong kostumer kaya ang magagamit ng gobyerno upang tumestigo na pumunta siya sa motel at hindi siya binigyan ng OR?

***

Yung mga nag-iisip naman na sa sasakyan na lang gawin at manala-ngin na lang na walang makahuli sa kanila.

(Wow may kotse pero walang pambayad ng kwarto, pero nangyayari ito.)

Bumili na kayo ng sasakyan ngayon pa lang, kasi plano ring itaas ang buwis sa mga bagong sasakyan.

Ang mga sasakyan na ang manufacturer’s price o importer’s selling price ay mababa sa P600,000 ay papatawan ng apat na porsiyentong excise tax mula sa kasalukuyang dalawang porsiyento.

Kung ang presyo ay P600,000 hanggang P1.1 milyon, ang buwis ay P24,000 at dagdag na 40 porsiyento ng halaga na lagpas sa P600,000.

Kung lagpas sa P1.1 milyon pero hindi lalagpas sa P2.1 milyon ang buwis ay P224,000 at dagdag na 100 porsyento ng labis sa P1.1 milyon.

Kung lagpas sa P2.1 milyon ang halaga ang buwis ay P1.224 milyon at 200 porsyento ng halaga na lagpas sa P2.1 milyon.

Hindi pa rito natatapos ang bayarin ng mga bibili ng mga bagong sasakyan (kapag naging batas ito).

Kasi tataasan din ang excise tax na ipinapataw sa produktong petrolyo.

Kung ang original na proposal ng Department of Finance ang masusunod, magiging P10 kada litro ang buwis sa gasolina mula sa P4.

Ang diesel ay papatawan naman ng P6 kada litro. Ngayon ay exempted ang diesel sa excise tax.
Good luck nalang sa mga motorista.

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yung mga wala namang sariling sasakyan at sasakay na lang ng taxi, hindi rin naman kayo ligtas.
Bumalik na sa P40 ang flag down rate ng mga taxi sa buong bansa except sa Cordillera Administrative Region. Ang P40 ay bawat sa unang 500 metro na itatakbo ng taxi cab.
Sa CAR ang flag down rate ay P35.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending