Ending ng ‘Alyas Robin Hood’ ni Dingdong pasabog | Bandera

Ending ng ‘Alyas Robin Hood’ ni Dingdong pasabog

|February 15,2017
facebook
share this

Ending ng ‘Alyas Robin Hood’ ni Dingdong pasabog

- February 15, 2017 - 12:30 AM

15356551_1223851444375417_8448263804956041406_n

MALAPIT  nang matapos ang GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes kasama sina Megan Young at Andrea Torres.

At promise ng Kapuso Primetime King marami pang kaabang-abang na eksena ang mapapanood sa mga susunod na episode ng ARH, lalo na ang kanilang finale.

Mas maaaksiyon at madadramang tagpo ang masasaksihan ng mga loyal viewers ng serye kaya huwag na huwag na raw kayong bibitiw sa pagtutok sa Alyas Robin Hood.

Siyemre, malapit n’yo nang malaman kung kanino mapupunta si Pepe (Dingdong), kay Venus (Andrea) ba o kay Sarri (Megan).

May idea na kami kung sino ang magwawagi sa puso ni Pepe pero siyempre, hintayin na lang natin ang ending ng serye para mas exciting! Napapanood pa rin ang Alyas Robin Hood after Encantadia.

Speaking of Dingdong, ngayong darating na Sabado na mapapanood ang pilot episode ng bagong crime docu-drama program ng GMA 7 na Case Solved after Eat Bulaga.

Saksihan ang unang kasong tinutukan ng programa na siguradong makakapagbigay ng aral at legal na kaalaman sa bawat Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending