Daniel may sorpresa kay Kathryn sa V-day: Kailangan 'yung malupit! | Bandera

Daniel may sorpresa kay Kathryn sa V-day: Kailangan ‘yung malupit!

Ervin Santiago |February 14,2017
facebook
share this

Daniel may sorpresa kay Kathryn sa V-day: Kailangan ‘yung malupit!

Ervin Santiago - February 14, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

ISANG “malupit” na sorpresa raw ang inihanda ni Daniel Padilla para sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo ngayong Valentine’s Day. Nakorner ng ilang miyembro ng entertainment press sina DJ at Kath pagkatapos ng production number nila kasama ang iba pang pambatong Kapamilya loveteam sa pa-thanksgiving ng Star Magic sa media bilang bahagi pa rin ng kanilang 25th annivesary. Nagsama-sama last Sunday ang mga sikat at tinitiliang talents ng Star Magic para magpasalamat sa showbiz press sa 25 taong pagsuporta sa kanilang mga career. In fairness, star-studded talaga ang naganap na event, ha! Going back to KathNiel na game na game pang nakipag-selfie sa mga entertainment reporter at writer, excited na rin daw sila sa pagse-celebrate ng Araw ng mga Puso ngayon. May plano na ba si Daniel para sa kanilang Valentine date ni Kathryn? “May concert lang si Vice (Ganda) sa gabi, so dadaan muna ako doon and then paplanuhin ko nang malupit ang pambawi ko kay Kathryn.” “Sorpresa muna. Hindi ko pa alam kung paano ko gagawin basta kailangan kakayanin ng schedule at alam kong pasok na pasok ‘yun,” nakangiting pahayag ni DJ habang katabi lang ang kanyang special someone. Sey ng dalaga, hindi naman daw nag-e-expect nang bonggang date mula sa kanyang boyfriend. Pero hirit ni DJ, “Pero kailangan galingan ko kasi para sa lahat ng babae, espesyal talaga ang Valentine’s Day sa kanila.” Ano bang pagkakaiba ng Valentine’s Day nila ngayon kumpara sa mga nakaraang taon? “Siguro dapat laging ano lang, hihigitan mo ‘yung ginawa mo last year,” hirit ni Daniel. Samantala, sinabi naman ni Kath na napakalaki ng maturity sa relasyon nila ni DJ. Last year ay umamin na sila sa kanilang status na “exclusively dating” at umaasa ang kanilang milyun-milyong fans na pang-forever na nga ang kanilang relasyon. Sey ni Kathryn sa estado nila ngayon ni Daniel, “Nakakatuwa ‘yun na ‘di ka tinatago, very vocal. Malaking bagay ‘yun sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending