Shaina ayaw gamitin sina John Lloyd at Piolo | Bandera

Shaina ayaw gamitin sina John Lloyd at Piolo

Ambet Nabus |February 12,2017
facebook
share this

Shaina ayaw gamitin sina John Lloyd at Piolo

Ambet Nabus - February 12, 2017 - 12:01 AM
shaina magdayao
AYAW namang gamitin ni Shaina Magdayao ang usapin sa puso ngayong pumirma rin siya uli ng kontrata sa ABS-CBN. Another two year contract ang pinirmahan ni Shaina at sa Lunes nga ay ipalalabas na ang bago niyang serye na The Better Half, na balitang ipapalit sa Doble Kara ni Julia Montes. “I want to be honest and straight with you friends from the press, gustuhin ko mang sagutin ang mga tanong ninyo on my lovelife, pero parang off sa ngayon dahil nagpu-promote ako ng bagong show ko. “At saka with due respect po sa mga names na binanggit ninyo (kabilang na ang ex niyang si John Lloyd Cruz at Piolo Pascual), puwede pong wag na silang isali kasi hindi naman sila part ng show?” pakiusap ng dalaga sa members ng media. Sa serye kasi nina Shaina ay malaking isyu sa mga karakter nila ang “balikan” lalo pa’t tatalakayin dito ang paghihiwalay nila ng asawang si Carlo Aquino na naaksidente at nagkaroon ng amnesia. “Eh, mai-involve yung babae sa isa pang karakter (JC de Vera) dahil akala nga niya ay namatay na ‘yung asawa niya (na inangkin ni Denise Laurel), tapos papasok na yung magkaka-affair uli sila,” esplika ni Shaina sa twist ng kuwento ng The Better Half. “Kaya nga po du’n sa trailer, makikita ninyo na nangumpisal ako dahil nakiapid ako sa aking asawa,” sey pa ni Shaina na very excited sa bagong serye nila na tiyak daw na maiibigan ng marami.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending