Nanay ni Janella nabuking na raw ang mga ‘sikreto’ ni Elmo | Bandera

Nanay ni Janella nabuking na raw ang mga ‘sikreto’ ni Elmo

Ambet Nabus |February 10,2017
facebook
share this

Nanay ni Janella nabuking na raw ang mga ‘sikreto’ ni Elmo

Ambet Nabus - February 10, 2017 - 12:20 AM

JANINE DESIDERIO, JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

JANINE DESIDERIO, JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

NAKAKALOKA rin ang tila pagba-blind item ng singer-actress na si Jenine Desiderio against her daughter’s rumored suitor na si Elmo Magalona.

Naniniwala ang fans ng tambalang ElNella na ang batang aktor ang pinatatamaan ni Jenine tungkol sa isang hindi kagandahang ginawa diumano ng aktor sa kanyang anak.

May pagbabanta rin sa social media si Jenine sa pinatutungkulang “aktor” na umayos ito or “clean his act” or else ay masisira ang karir nito once na siya’y magsalita.

Hindi pa raw alam ng aktor na may hawak siyang ebidensya ng tila “panggagamit” nito kay Janella.
Kapwa dedma pa ang mga parties involved o baka naman may pag-uusap nang nagaganap para i-resolve ang isyu?

Whatever, mukhang hindi pa rin maganda ang kahihinatnan nito lalo pa’t para itong ulo ng pako na pukpukin man nang bonggang-bongga ay nakalitaw pa rin!

Samantala, marami namang ElNella fans ang nam-bash kay Jenine at sinabing mag-ingat ito sa pagbibintang kay Elmo dahil baka sa huli ay ang anak pa niya ang mapahamak.

Wala pa ring official statement ang kampo ni Elmo about this kaya let’s just wait and see.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending