Propesor kay Aljur: Manahimik na siya at intindihin ang pagbubuntis ni Kylie! | Bandera

Propesor kay Aljur: Manahimik na siya at intindihin ang pagbubuntis ni Kylie!

Cristy Fermin |February 01,2017
facebook
share this

Propesor kay Aljur: Manahimik na siya at intindihin ang pagbubuntis ni Kylie!

Cristy Fermin - February 01, 2017 - 12:05 AM

kylie padilla at aljur abrenica

SIGURO naman, dahil sa kaliwa’t kanang upak na tinatanggap niya ngayon sa social media, ay nahimasmasan na si Aljur Abrenica.

Kesa sa magpakawala siya ng mga salitang hindi katanggap-tanggap para sa ibang kampo ay mas magandang manahimik na lang siya, mas intindihin ang kalagayan ngayon ni Kylie Padilla, para maging mas magaan ang paglilihi nito.

Komento ng kaibigan naming propesor na nakatutok sa isyu, “Ayan na naman si Aljur. Salita na naman siya nang salita. Minsan na niyang kinasuhan ang GMA 7, may leksiyon na dapat siyang napulot sa ginawa niya, pero hanggang ngayon, minamasama pa rin niya ang mga ginagawa ng network.

“Why use the word gamit na gamit? Saan ba nagtatrabaho si Kylie, sa ibang istasyon ba? Natural, dahil nasa Encantadia ang girlfriend niya, e, ‘yun ang palaging masusulat at maibabalita!

“He better shut-up. Hindi kailangan sa sitwasyon ni Kylie ngayon ang mga resbak niyang hindi maganda. Cool lang dapat siya, anyway, matatapos din naman ang inirereklamo niya,” madiing pahayag ni prop.

Balitang-balita naman na sa Australia manganganak si Kylie, tatapusin lang ng aktres ang mga eksenang kailangan nitong gawin sa Encantadia, babalik uli ito sa serye pero sa ibang katauhan na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending