Payo ng nanay ni Kylie: Wag na wag ipalalaglag ang baby nila ni Aljur! | Bandera

Payo ng nanay ni Kylie: Wag na wag ipalalaglag ang baby nila ni Aljur!

Cristy Fermin |January 31,2017
facebook
share this

Payo ng nanay ni Kylie: Wag na wag ipalalaglag ang baby nila ni Aljur!

Cristy Fermin - January 31, 2017 - 12:05 AM

aljur abrenica at kylie padilla

SINASABI na nga ba. Hindi makakayang tiisin at tikisin ni Robin Padilla ang kanyang anak. Kung sa ibang tao nga ay napakamaunawain ng action star, kay Kylie pa ba naman siya magiging maramot, hindi kapani-paniwala ‘yun para sa isang Robin Padilla.

Anak niya si Kylie, sarili niyang dugo, sinuman ang ama ng dinadala ng aktres ay napakalinaw ng punto na apo pa rin ni Robin ang ipinagdadalantao ni Kylie.

Naging kaswal lang ang pagtatapat ni Kylie sa kanyang ama. Nagbibiruan lang sila nu’ng una,. Sinabi nito na oo nga, may laman ang kanyang tiyan, na agad namang sinuportahan ng action star.

Ganu’n lang kasimple. Ang mahalaga ay nagtapat ang kanyang anak, hindi na mahalaga kung hindi man niya tanggap si Aljur Abrenica bilang ama ng kanyang apo, ang mahalaga ay ang kundisyon ngayon ni Kylie.

Magiging maayos ang pagdadalantao ni Kylie dahil alam nito na nand’yan lang ang suporta ng kanyang mga magulang. Maganda rin ang pagtanggap ni Liezl Sicangco sa sitwasyon, huwag daw ipaa-abort ng aktres ang bata, napakagandang payo.

Napakasuwerte ni Kylie Padilla sa pagkakaroon ng mga magulang na maunawain, ng mga magulang na ang kanyang kundisyon ang inaalala, walang pakialam sina Robin at Liezl sa karera ng kanilang anak kung nausog man o ano na tulad ng komento ng iba.

Basta ang mahalaga ay maayos ang pagdadalantao ni Kylie Padilla. ‘Yun lang. May pagkakataon pa nga namang nakabalik sa trabaho ang aktres pero ang pagdadalantao ay kailangang bigyan ng prayoridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending