Payo kay Aljur: Tantanan na ang pagtira sa GMA at Encantadia | Bandera

Payo kay Aljur: Tantanan na ang pagtira sa GMA at Encantadia

Cristy Fermin |January 29,2017
facebook
share this

Payo kay Aljur: Tantanan na ang pagtira sa GMA at Encantadia

Cristy Fermin - January 29, 2017 - 12:05 AM

aljur abrenica

NGAYONG lumantad na sila ni Kylie Padilla tungkol sa pagdadalantao ng aktres ay mas magiging maganda siguro kung medyo tatalian ni Aljur Abrenica ang pagkokomento nang may kaanghangan sa pandinig at panlasa.

Tama na muna ang mga emosyong puwede namang itago, huwag nang nagsasalita ng kung anu-anong tirada na maglalagay sa kanya sa alanganin, hindi makagaganda ‘yun sa kanyang imahe.

Kay Aljur mismo nanggaling na gamit na gamit daw ng GMA 7 ang isyu ng pagdadalantao ni Kylie.

Palagi raw binabanggit ang programang Encantadia kapag nagiging isyu ang kalagayan ng kanyang girlfriend ngayon.

Natural, ano ang paglalarawang sasabihin tungkol kay Kylie, artista ito ng Ang Probinsyano, ganu’n ba ang gustong ipakahulugan ni Aljur?

Kasama si Kylie sa programa, papatayin ang kanyang role, dahil nga sa mabilis na paglaki ng tiyan nito. Anong palabas kaya ang puwedeng banggitin patungkol sa kalagayan ng dalaga, meron pa kayang iba, bukod sa Encantadia?

Heto na naman si Aljur. Minsan na siyang nakipagbanggaan sa kanyang mother studio. Umabot pa nga sa husgado ang kanyang mga reklamo.

Pero sino ba ang nabukulan nang gawin niya ang paglaban sa kanyang istasyon, kaninong career ba ang naapektuhan, sino ba ang nagsumamong magbalik na lang uli sa kanyang bakuran?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending