Nadine, James pinatunayan ang matinding pagmamahal sa isa't isa; may mga bagong pasabog | Bandera

Nadine, James pinatunayan ang matinding pagmamahal sa isa’t isa; may mga bagong pasabog

|January 22,2017
facebook
share this

Nadine, James pinatunayan ang matinding pagmamahal sa isa’t isa; may mga bagong pasabog

- January 22, 2017 - 01:56 PM
NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

PINATUNAYAN pa rin ng reel and real life couple na sina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang powers matapos ang trending ending ng kanilang Primetime Bida series na Till I Met You sa ABS-CBN last Friday. In fairness, hanggang sa huli ay todo ang suportang ibinigay ng JaDine fans sa kanilang mga idolo kahit na nga malungkot ang ilan sa mga ito sa pagtatapos ng TIMY. Kaya naman abot-langit din ang pasasalamat nina James at Nadine sa lahat ng mga taong tumutok mula simula hanggang sa finale ng kanilang serye.

“Sa lahat, to millennials, titos, titas, JaDines maraming salamat sa suporta. Thank you so much for watching ‘Till I Met You.’ It’s been a very fun ride,” ani James.

“Salamat po sa lahat nang sumuporta, at sa lahat nang nanonood gabi-gabi at nagti-tweet,” hirit naman ni Nadine.

Talaga namang kinakiligan ang kuwento ng pag-iibigan nina Iris (Nadine) at Basti (James) mula nang umere ito sa telebisyon. Kinaantigan ang kanilang pagmamahalan na nagpakita ng saya at hirap ng pag-aasawa sa kabila ng pagpapakasal nila nang maaga. Naging daan din ang serye upang maipamalas ang iba’t ibang klase ng pagmamahalan gaya ng same-sex relationship sa pamamagitan ng karakter nina Ali (JC Santos) at Stephen (Enzo Pineda).

Dahil nga sa mga eksena nitong kinapupulutan ng aral, tinutukan sa mga kabahayan at naging consistent trending topic sa Twitter at umani ng ilang milyong tweets. Dagdag pa sa magandang kuwento ng serye ay ang mga hindi malilimutang eksena nito sa Greece, kung saan ipinakita ang ilang sa mga pinakamagaganda at makasaysayang tourist spots sa bansa.

Samantala, siguradong may bagong pasabog na naman ang tambalang JaDine para sa kanilang milyun-milyong fans after ng Till I Met You. Bukod sa kanilang magkakahiwalay na commitments, patuloy pa rin silang pinagkakatiwalaan ng mga advertisers at itinuturing pa ring dalawa sa mga most trusted celebrity endorsers sa bansa.

Balitang may niluluto na ring bagong pelikula ang Viva Films para kina James at Nadine bilang follow-up sa huling pelikula nilang “This Time”. Sa ngayon, sinusulit ng magdyowa ang kanilang free time sa pagbabakasyon sa iba’t ibang beach resorts sa bansa bago sumalang uli sa matinding trabaho.

Sa kani-kanilang Instagram accounts makikita ang mga litrato ng JaDine na talaga namang pinagpiyestahan ng kanilang mga fans. Dito muling pinatunayan ng dalawa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa na tila sumisigaw na walang sinumang makasisira sa kanilang pag-iibigan.

Kamakailan nga ay natanong si James kung nakikita na niya ang sarili na pinakakasalan si Nadine na diretso na niyang sinagot ng, “It’s possible.”

Sa darating na February ay magse-celebrate na sila ng kanilang first anniversary as a couple at plano raw nilang mag-hiking para sa tuktok ng bundok sila mag-celebrate.

Tungkol naman sa trust issue, mas mature na raw sila ngayon pagdating sa paghawak ng relasyon. Isa raw ito sa mas lalong nagpapatatag sa kanilang samahan.

“I learned how to trust ng buo. And it’s easier,” sey ni Nadine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending