'Tama lang na hindi na pumunta si Kris at ang 2 anak sa binyag ng anak ni James!' | Bandera

‘Tama lang na hindi na pumunta si Kris at ang 2 anak sa binyag ng anak ni James!’

Cristy Fermin |January 17,2017
facebook
share this

‘Tama lang na hindi na pumunta si Kris at ang 2 anak sa binyag ng anak ni James!’

Cristy Fermin - January 17, 2017 - 12:10 AM

kris josh at bimby

MAS maganda na ring hindi dumalo sa binyag ng anak nina James Yap at Michela Cazzola si Kris Aquino at ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Hindi maganda ang magiging resulta nu’n, kung sakali man, dahil mainit ang mata ng mga netizens sa aktres-TV host. Kumaliwa at kumanan si Kris ay siguradong may masasabi pa rin ang mga hindi nakakakita ng maganda tungkol sa kanya, kaya mas maganda nang nagdesisyon ang mag-iina na huwag nang pumunta, ligtas sa mga negang komento si Kris.

Tutal naman ay nagkikita rin si Bimby at ang kapatid nitong si Baby James, pinapayagan naman ni Kris ang kanyang anak, dahil magkaibigan na sila ngayon ni Michela.

Imbitado naman pala ni Michela ang mag-iina, pero may dinaluhang pampamilyang okasyon si Kris at ang dalawang bata, kaya hindi na sila nagpunta sa binyag ng panganay nina James at Michela.

Tama na sigurong may komunikasyon sila, dahil kapag nakita pa silang magkakasama, siguradong mauungkat na naman ang mga binitiwang salita nu’n ni Kris laban sa ama ni Bimby nang maghiwalay na sila.

Emosyonal nu’n ni Kris, kaya kung anu-ano ang ipinarating niya kay James, pero tapos na ‘yun at panibagong yugto na ang hawak nila ngayon bilang magkaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending