John Lloyd wala pa ring balak magpakasal: Life is so short! | Bandera

John Lloyd wala pa ring balak magpakasal: Life is so short!

Ervin Santiago |January 15,2017
facebook
share this

John Lloyd wala pa ring balak magpakasal: Life is so short!

Ervin Santiago - January 15, 2017 - 12:10 AM

sarah geronimo at john lloyd cruz

NGAYON pa lang ay atat nang mapanood ng Popsters ang reunion movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz makalipas ang apat na taon.

Titled “Dear Future Husband” under Star Cinema to be directed by Thed Boborol, pareho nang excited sina Sarah at Lloydie sa pagsisimula ng kanilang shooting.

“Very excited po ako kasi galing din sa bakasyon. Maganda to start the year na magtrabaho ulit,” sey ng girlfriend ni Matteo Guidicelli sa panayam ng ABS-CBN. Hindi nga raw niya in-expect na may magandang mangyayari sa career niya sa pagpasok ng Year of the Rooster.

“Nagkataon po nu’ng umakyat si Ma’am Charo (Santos-Concio) nu’ng Christmas special, sabi niya ‘O, gagawa pa ba kayo ng movie ni Lloydie?’ Nagulat ako. Siyempre si Ma’am Charo, nakakahiya mag-decline, kaya napaoo po talaga ako!”

Sey naman ni John Lloyd, “Matagal-tagal na ‘yung huling pagsasama namin. Kapag tumagal pa, baka hindi na mangyari. Dapat mangyari na siya. Life is short.”

Nang matanong kung paano ang gagawin niyang atake sa kanyang role, “Galing sa title mismo ng pelikula na ‘Dear Future Husband’, siyempre darating sa buhay natin na gusto rin natin magkaroon ng sariling pamilya,” tugon ng dalaga. Hirit naman ni JLC, “Ganon?”

Baling sa kanya ni Sarah, “Ikaw kaya Lloydie kelan? Ikaw ba Lloydie hindi pa? Ano ba ang mindset mo ngayon?”

“I’m forever young,” nakangiting sagot naman ni John Lloyd na halatang umiwas sa topic ng pag-aasawa.

Pagpapatuloy ni Lloydie, “Marami pa tayong gustong ma-achieve sa buhay natin since nabalitaan ko na life is short nga daw.”

Dugtong pa ng Kapamilya actor, “Meron pa tayong ibang aspiration sa buhay in both personal and work-related. Pero siguro kahit naman anong sabihin ko, siguro ang totoo naman diyan, hindi ko pa nakikita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending