Hosts, mga hurado sa TNT ng Showtime binigyan ng warning | Bandera

Hosts, mga hurado sa TNT ng Showtime binigyan ng warning

Ambet Nabus |January 13,2017
facebook
share this

Hosts, mga hurado sa TNT ng Showtime binigyan ng warning

Ambet Nabus - January 13, 2017 - 12:10 AM

IT'S SHOWTIME HOSTS

IT’S SHOWTIME HOSTS: BILLY CRAWFORD, VICE GANDA AT ANNE CURTIS

AY, how true kaya ang tsismis kapatid na Ervin na diumano’y seryosong miniting ng mga executive ang ilan sa mga It’s Showtime artists nang dahil sa tila nag-o-overbound nitong mga talents?

Ang chika, mukhang may effort daw kasi ang mga ito na gayahin ang kakaibang humor ni Vice Ganda na swabeng-swabe at matalinong naitatawid ang kanyang jokes at punchlines kahit pa medyo maselan ang isyu.

Nauna na raw dito si Hashtag Nikko Natividad nang out of the blue, sa hangarin nitong makapagpatawa sa isang portion ay may nabitawang linya na very offensive sa hanay ng mga Bisaya.

Kahit daw mabilis naman itong nakorek sa mismong show at nakita kay Nikko ang sincere nitong paghingi ng apology, ginawa pa rin daw ng mga executive ng show na i-miting ito sampu ng mga kasamahan para paalalahanan at bigyan ng babala.

Then just very recently, si Rey Valera mismo ang na-call ang attention nang sa isang bahagi naman ng portion nila ay nakapagbitaw ng joke sa isang matabang babaeng contestant na sa panlasa ng karamihan ay nakakainsulto na.

Kahit nasalo raw nina Vice Ganda at Anne Curtis ang sitwasyon, kinuyog pa rin si Rey ng netizens at tinawag pang sobrang trying hard na magpatawa o maging katawa-tawa tulad ni Vice Ganda.

May mga ilan pang artists ng show na diumano’y miniting na dahil dito dahil hindi na raw nila hihintayin pang ang ibang ahensya o grupo ang muling magpatawag sa kanila kabilang na ang MTRCB.

Tama ba kami, mareng Mother Mercee Gonzales, klasmeyt direk Jillmer Dy at papa direk Bobet Vidanes?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending