NLEX Road Warriors pinatumba ang TNT KaTropa Texters | Bandera

NLEX Road Warriors pinatumba ang TNT KaTropa Texters

Angelito Oredo |January 08,2017
facebook
share this

NLEX Road Warriors pinatumba ang TNT KaTropa Texters

Angelito Oredo - January 08, 2017 - 12:05 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Rain or Shine vs Phoenix Petroleum
6:45 p.m. Barangay Ginebra vs San Miguel Beer
Team Standings: San Miguel Beer (6-1); Rain or Shine (4-2); Phoenix (4-3); Globalport (4-3); TNT (4-3); Blackwater (4-4); Star (3-3); Alaska (3-3); Barangay Ginebra (3-3); Meralco (2-5); NLEX (2-5); Mahindra (1-5)

WINAKASAN ng NLEX Road Warriors ang kanilang five-game losing streak matapos na tibagin ang TNT KaTropa Texters, 110-98, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game Sabado sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Umiskor si Carlo Lastimosa ng 22 puntos para pamunuan ang NLEX.

Si Sean Anthony ay nag-ambag ng 13 puntos, sina Kevin Alas at Eric Camson ay nagdagdag ng tig-12 puntos habang si Bradwyn Guinto ay may 11 puntos para sa Road Warriors, na umangat sa 2-5 kartada.

Gumawa si Jason Castro ng 17 puntos habang sina Moala Tautuaa at Kris Rosales ay may tig-15 puntos para sa TNT na nalaglag sa 4-3 karta.

Samantala, pigilan ang three-time Most Valuable Player na si San Miguel Beermen center June Mar Fajardo ang pilit na gagawin ng Barangay Ginebra Kings sa inaasam nitong pagningasin pa ang nanganganib na kampanya sa 2016-17 Philippine Cup na nasa krusyal na bahagi ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Matatandaang binigo ng Gin Kings ang Beermen sa kanilang paghaharap sa Game 5 ng 2016 PBA Governors’ Cup semifinals noong Oktubre 4 sa sa Smart Araneta Coliseum kung saan pinosasan ng kanilang depensa si Fajardo.

Bitbit ang 3-3 win-loss record ay nakikipaghabulan ang Barangay Ginebra sa triple-tie para sa sixth spot. Huli nitong binigo ang Star Hotshots noong Pasko sa Philippine Arena, 86-79, para pilit pataasin ang moral sa tampok na alas-6:45 ng gabi na laban sa two-time defending champion San Miguel Beer.

“From a coaching standpoint, there’s not a tougher conundrum than June Mar Fajardo,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone. “Just trying to figure out what to do against him, that perplexed all of us coaches.”

Ang 6-foot-11 slotman na si Fajardo ay may league second-best 20.2 puntos at 17.2 rebounds kada laro.

“To me, San Miguel is the hardest team to prepare for because of him (Fajardo) and the weapons around him,” sabi pa ng 19-time champion coach na si Cone kontra sa Beermen na nasa limang sunod na panalo kasama ang pagbigo sa Blackwater Elite, 118-93, noong Biyernes ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una munang maghaharap sa ganap na alas-4:30 ng hapon na salpukan ang nasa ikalawang puwesto na Rain or Shine Elasto Painters (4-2) na nais maka-back-to-back victory at ang nakikisalo sa ikatlong puwesto  na Phoenix Petroleum Fuel Masters (4-3) na balak makapagtala ng ikatlong sunod na pagwawagi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending