Vhong: Dasal ako nang dasal, na sana wag akong malungkot sa birthday ko! | Bandera

Vhong: Dasal ako nang dasal, na sana wag akong malungkot sa birthday ko!

Cristy Fermin |January 04,2017
facebook
share this

Vhong: Dasal ako nang dasal, na sana wag akong malungkot sa birthday ko!

Cristy Fermin - January 04, 2017 - 12:10 AM

vhong navarro at kim domingo

NGAYON na huhusgahan si Vhong Navarro!

Kaarawan ngayon ng magaling na dancer-actor-TV host at ngayon din ang unang araw ng pagpapalabas ng pinagbibidahan niyang komedyang pelikulang “Mang Kepweng Returns!”

‘Yun ang unang pelikulang Pilipinong ipalalabas ngayong 2017, ginastusan ng Cineko Productions ang pelikula, nagsunog ng kilay si Direk GB Sampedro dahil nakaatang sa kanyang balikat ang kabuuan ng “Mang Kepweng Returns.”

Ilang araw na nagbakasyon si Vhong pagkatapos ng Pasko, magkakaibigan lang silang lumabas ng bansa, gusto niyang makahinga nang maluwag dahil sa kanyang pagbabalik ay kaarawan na niya at ipalalabas na ang kanyang pelikula.

Sabi ni Vhong na sobrang excited na ngayon, “Pray, pray, pray. Dasal lang po ako nang dasal na sana, huwag naman akong malungkot sa mimsong birthday ko.

“Hiling ko po na sana, since birthday ko naman, e, ibigay na lang na regalo ng mga kababayan natin ang panonood ng ‘Mang Kepweng Returns’. Napakasaya ko na po kapag ibinigay nila ang wish ko.

“Excited na kinakabahan na ewan, ‘yun po ang nararamdaman ko ngayon. Pero napanood ko na ang pelikula, hindi po ako mapapahiya sa kanila. Comedy, fantasy, lahat-lahat na, nandu’n sa pelikula,” pahayag ni Vhong.

Kasama niyang magpapasaya sa manonood sina Kim Domingo, Jaclyn Jose, Pen Medina, Valeen Montenegro, James Blanco, Sunshine Cruz, Jhong Hilario, Louise delos Reyes, Jackie Rice, Balang, Matet at Lotlot de Leon, Juancho Trivino, Jobert Austria, Tuco, Petite, Shalala, Ryan Bang, Ahron Villena, Ms. Odette Khan at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending