TNT KaTropa Texters pinatumba ang Alaska Aces | Bandera

TNT KaTropa Texters pinatumba ang Alaska Aces

Melvin Sarangay , |December 23,2016
facebook
share this

TNT KaTropa Texters pinatumba ang Alaska Aces

Melvin Sarangay - , December 23, 2016 - 11:00 PM

Mga Laro Bukas
(Philippine Arena)
3 p.m. Mahindra vs Blackwater
5:15 p.m. Barangay Ginebra vs Star

WINAKASAN ng TNT KaTropa Texters ang 3-game winning streak ng Alaska Aces matapos manaig, 109-100, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup game kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bunga ng panalo, nakasalo ng TNT KaTropa ang Blackwater Elite sa ikalawang puwesto sa 4-2 kartada.
Nahulog naman ang Alaska sa 3-3 karta.

Matapos hawakan ang 31-22 abante sa pagtatapos ng unang yugto, kumawala ang Texters sa ikalawang yugto sa pangunguna nina Jason Castro at Troy Rosario para maiwanan ng TNT KaTropa ang Alaska at itayo ang 54-38 bentahe.

Nagtangkang makabangon ng Aces sa second half subalit napigilan ito ng Texters na inuwi ang ikalawang sunod na panalo.

Pinamunuan ni Rosario ang TNT KaTropa sa ginawang 26 puntos habang sina Castro at Larry Fonacier ay nagdagdag ng tig-16 puntos.

Nag-ambag naman si Ranidel de Ocampo ng 10 puntos para sa Texters.

Pinangunahan ni Calvin Abueva ang Alaska sa itinalang 18 puntos.

Nagdagdag naman sina Vic Manuel, Kevin Racal at Chris Banchero ng 16, 14 at 12 puntos para sa Aces.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending