Engaged na: Anne napaiyak nang sagutin ng 'yes!' ang proposal ni Erwan | Bandera

Engaged na: Anne napaiyak nang sagutin ng ‘yes!’ ang proposal ni Erwan

Ervin Santiago |December 19,2016
facebook
share this

Engaged na: Anne napaiyak nang sagutin ng ‘yes!’ ang proposal ni Erwan

Ervin Santiago - December 19, 2016 - 12:01 AM

 

anne curtis at erwan heussaff

ENGAGED na ang celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Nag-propose ang model-food blogger habang nasa bakasyon sila ni Anne sa New York.

Maraming ginulat ang magdyowa nang ipost ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts ang isang video kung saan mapapanood ang pagpo-propose ni Erwan sa kanyang long-time girlfriend.

Nu’ng una ay inakala lang ng kanilang followers na isa lang sa usual travel videos ang ipinost ng dalawa dahil nga ipinakita rito ang ilang lugar na dinalaw nila sa NY, kabilang na ang pagsali ni Anne sa TCS New York Marathon, pati na ang pagpunta nila sa Connecticut.

Sinundan ito ng travel videos ng magkarelasyon mula pa noong 2010 hanggang 2016, at sa bandang ending nga ay bigla na lang nagulat ang kanilang followers nang bigla ngang mag-propose ang kapatid ni Solenn Heussaff sa isang park na pinuntahan nila sa New York.

Halos anim na taon nang magkarelasyon sina Anne at Erwan na naging emosyal din nang mapaluha si Anne ma-tapos itong sumagot ng “Yes!” sa kanyang marriage proposal. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement ang engaged couple.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending