TNT KaTropa Texters dinurog ang Phoenix Fuel Masters | Bandera

TNT KaTropa Texters dinurog ang Phoenix Fuel Masters

Melvin Sarangay , |December 16,2016
facebook
share this

TNT KaTropa Texters dinurog ang Phoenix Fuel Masters

Melvin Sarangay - , December 16, 2016 - 11:00 PM

Laro Ngayon
(Xavier University Gym, Cagayan de Oro City)
5 p.m. San Miguel Beer vs NLEX

NAIBALIK ng TNT KaTropa Tropang Texters ang bangis sa paglalaro matapos na durugin ang Phoenix Petroleum Fuel Masters, 117-98, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ipinamalas ng TNT KaTropa kung gaano sila kabangis kung saan namuno si Kelly Williams sa pagtala ng 18 puntos at 10 rebounds habang si Jayson Castro ay nag-ambag ng 18 puntos mula sa bench sa kanilang panalo.

Si Troy Rosario ay nagdagdag ng 17 puntos at siyam na rebounds habang si Kris Rosales ay may 14 puntos para sa Tropang Texters.

Ipinagkaloob din ng TNT KaTropa kay coach Nash Racela ang kanyang unang panalo matapos na opisyal na hawakan ang katungkulan bilang head coach para umangat sa 3-2 kartada.

Hinawakan ng TNT KaTropa ang 28 puntos na kalamangan, 117-89, may tatlong minuto ang nalalabi sa laro bago nagawang rumatsada ng Fuel Masters sa paghulog ng siyam na diretsong puntos para tapyasin ito sa 19 puntos.

Naging masaklap naman ang nakalipas na linggo para sa Phoenix Petroleum, na nakalasap ng 44 puntos na pagkatalo buhat sa Star Hotshots noong Sabado, 123-79.

Pinangunahan ni Mark Borboran ang Fuel Masters sa ginawang 18 puntos, 10 dito sa ikaapat na yugto, kung saan mayroon siyang 7-of-8 field goal shooting.

Bunga ng pagkatalo, nahulog ang Phoenix Petroleum sa 2-3 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending